ni Lolet Abania | December 7, 2021
Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong hepe ng Philippine Army at ng Philippine Air Force ngayong Martes.
Si Major General Romeo Brawner Jr. ang mamumuno sa Army habang si Major General Connor Anthony Canlas naman ang na-appoint bilang Air Force chief.
Papalitan ni Brawner si Armed Forces chief Lieutenant General Andres Centino habang si Canlas ang papalit kay Lieutenant General Allen Paredes na umabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 ngayong Martes.
Files: Defense Sec. Delfin Lorenzana
Bago maging Army chief, matatandaang nakaligtas sina Brawner at ang kanyang pamilya sa kamatayan na naganap nito lamang Hulyo ng kasalukuyang taon.
Lulan sina Brawner at pamilya niya sa C-130 plane, kung saan nagdala sa kanila sa Cagayan de Oro bago ito nag-crash sa Patikul, Sulu noong Hulyo 4.
Ang naturang insidente ay pumatay sa mahigit sa 50 katao na karamihan ay mga sundalo.
“Para sa akin panibagong buhay ito. It was a close call,” sabi ni Brawner, na commander noon ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa nakaraang interview sa kanya sa radyo.
Comments