top of page
Search
BULGAR

BOY, PINATATAKBO NG UTOL PARA MAIBALIK ANG ABS-CBN

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 29, 2021




Tinanggihan ng King of Talk na si Boy Abunda ang alok na tumakbo bilang senador sa 2022 elections. ‘Yan ang kanyang rebelasyon sa isang interbyu sa kanya ng ABS-CBN news kamakailan.


Ito na rin ang tumuldok sa alingasngas na papasukin na ni Kuya Boy ang political arena. Inaantabayanan kasi ng madlang pipol kung dyo-join na rin siya sa ibang celebrities na nagdeklara ng kanilang intensiyon sa pagtakbo sa 2022 national elections.


Ayon kay Kuya Boy, "Sabi ko, ‘In all humility, hindi ako handa.’ You need an on-the-ground level political organization and logistics. Wala ako nu’n! I have my own money pero galing ‘yun sa dugo at pawis ko!”


Isang malaking desisyon daw ito na dapat ay may makinarya. Wala raw pera at lakas si Kuya Boy para gamitin sa isang national campaign.


"It's a major decision. I'm not ready to run for the Senate. I don't have the tenacity. I have been invited to run for the Senate, I don't have the strength to run a national campaign. I don't have the money," lahad niya.


Nangangailangan din daw ng malaking organization para sa pagtakbo on national level.


“I don't have the national political organization. It takes a national organization to run a national campaign. Kailangan mo ng logistics. I don't have that. And most important of all, wala akong apoy sa bituka. I don't have fire in my belly for the Senate."


Inamin din ni Kuya Boy na pinag-isipan niyang tumakbo sa local level nu’ng nag-off-the-air ang kanyang show for 23 years. Pero naisip niya raw ito bunsod ng pagkaka-deny ng franchise ng ABS-CBN.


In fact, he was advised by her sister, Eastern Samar Rep. Fe Abunda, na tumakbo para maibalik ang prangkisa ng Kapamilya Network.


Samantala, mas pinili ni Kuya Boy na suportahan na lamang ang isang partylist, ang Ang Probinsyano.


"I said yes because it’s part of my core, probinsyano ako, taga-Borongan, Samar ako, maraming galing sa kahirapan at aligned ang values namin sa buhay," esplika niya.


Sa ngayon ay tuluy-tuloy ang online shows ni Kuya Boy sa iba’t ibang digital platforms gaya ng The Best Talk on Kumu, at ang The Interviewer sa kanyang YouTube channel.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page