top of page
Search
BULGAR

BOY, KUMANTA NA SA TOTOONG NANGYARI KAY BOOBAY SA SHOW NIYA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 23, 2023




Sa pagsisimula ng Fast Talk with Boy Abunda kung saan si Dingdong Dantes ang guest last Friday ay napag-usapan nila ni Boy Abunda ang nangyari kay Boobay sa mismong show sa live guesting ng komedyante last Thursday.


Nag-alala si Dingdong nang mapanood niya ang clip kung saan nga ay parang nag-hang si Boobay habang tinatanong ni Kuya Boy. Nakahalata agad ang King of Talk na may hindi magandang nangyayari sa komedyante kaya nag-pause muna sila at ipina-check sa nakaantabay na medical team ang kanyang guest.


Kinumusta ni Dingdong kay Kuya Boy si Boobay at tinanong kung ano ba talaga ang nangyari.


Ayon kay Kuya Boy, a day before Boobay’s guesting (Wednesday) ay nakarating sa kanila ang balitang nagkaroon ng mild stroke ang komedyante although medyo unclear pa raw sa kanila.


Gusto raw sana niyang i-postpone ang guesting ni Boobay para maka-recover muna ito.


Pero nagpasabi raw ang komedyante na gusto nitong mag-guest and excited na nga raw.


So, natuloy na nga ang live guesting. During the interview ay masaya raw sila at nagtatawanan pa’t wala raw anumang senyales na masama ang pakiramdam.


Pero matapos daw i-reenact ni Boobay ang audition piece sa GMA kung saan ay ginaya nito si Rufa Mae Quinto, napansin ni Kuya Boy na naging tahimik na raw ang komedyante. At first ay inakala raw niyang nagiging emosyonal lang ang kanyang bisita.


“After a few seconds, instinct, eh, sabi ko, something is wrong. Kaya (tinanong ko), ‘Are you okay?’ Siguro, mga 2, 3 beses,” kuwento ni Kuya Boy.


Nilapitan na ng TV host si Boobay at niyakap na niya ito dahil nga he felt that something was wrong.


Tumawag daw agad sila ng tulong mula sa medical team at hindi raw niya iniwanan ng tingin si Boobay at kinausap nila’t pinagpahinga.


“After a few minutes, mga 2-3 minutes, he was back,” sey ni Kuya Boy.


Dito na raw niya nalaman na madalas pala itong mangyari kay Boobay na ang tawag ay ‘silent seizure.’


“He is used to this. Na ang sabi raw ng kanyang doktor after he had that stroke in 2016, ‘Magkakaroon ka ng mga silent o mild seizure pero ang gagawin mo lang, kumalma ka and then, be still. After a while, babalik ka rin,’" kuwento ni Kuya Boy.


Ayon sa TV host ay first time niyang naranasan ang ganu’n in his TV career at ipinagdasal na lang daw niya nang time na ‘yun na maging present in the moment.


Thankfully ay umokey na si Boobay at bagama’t iminungkahi niyang huwag na nitong ituloy ang guesting at magpahinga na lang ay nag-insist daw ito na tapusin ang show at sinabing okay na siya.


Sa madaling sabi ay maayos na natapos ni Boobay ang show at okay naman daw ito.


Muli raw itong ineksamin sa studio pagkatapos ng programa at normal naman daw ang vitals nito. After 30 minutes ay umalis na ito sa studio.


Si Boobay pa raw ang panay ang apologize sa kanila kaya hangang-hanga ang TV host sa komedyante at sa pagmamahal nito sa trabaho.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page