ni Gerard Peter - @Sports | December 30, 2020
Napabilang sa listahan ng mga Filipinong kampeon si Reymart “Assassin” Gaballo matapos maitakas ang split decision win laban kay dating IBF 118-pound titlist Emmanuel “Manny” Rodriguez ng Puerto Rico upang makuha ang WBC interim bantamweight championship nitong Disyembre sa U.S.
Maaaring makaharap ni Gaballo si “WBC champion in recess” undefeated Nordine Oubaali (17-0, 12KOs) ng France sa 2021 para sa WBC 118-pound title. Nagpositibo naman sa Covid-19 si Nonito Donaire nitong buwan, upang ibigay kay Gaballo ang oportunidad para labanan si Rodriguez para sa interim title.
Makakabilang ang 24-anyos mula Polomolok, South Cotabato sa mga Filipino world champion na sina Taduran, Casimero, IBF junior-bantamweight champion Jerwyn Ancajas at nag-iisang eight-division world titlist at WBA welterweight (super) title holder Manny “Pacman” Pacquiao.
Parehong hindi nakalaban ang 28-anyos mula Panabo, Davao del Norte at Fighting Senator ngayong taon bunsod ng perwisyong coronavirus pandemic. Ilang plano ang naunsyami sa mga dapat makakalaban ni Pacman, kung saan kabilang sina Mikey Garcia (40-1, 30KOs), Danny Garcia (36-3, 21KOs), WBC/IBF 147-pound titlist Errol Spence Jr. (27-0, 20KOs) at WBO welterweight Terrence “Bud” Crawford (37-0, 28KOs). Nakaplano na rin na makatapat ni Pacquiao (62-7-2, 39KOs) sa 2021 si two-division UFC champion Conor “Notorious” McGregor.
Naging matagumpay din sa kani-kanilang laban sina Filipino featherweight fighter Mark “Magnifico” Magsayo (21-0, 14KOs) para mapanatili ang undefeated winning streak nang makamit ang split decision victory laban kay Mexican American Rigoberto Hermosillo (11-3-1, 8KOs) sa 10-round main event ng Premier Boxing Champions (PBC) noong Oktubre sa U.S.
Nakabawi si Sanman stable Mark “Machete” Bernarldez (21-4, 15KOs) nang pabagsakin si Argentinian Julian “Chispita” Aristotle (34-14, 17KOs) sa 3rd round ng 8 round lightweight bout sa Manual Airtime Community Center Theater sa Miami, Florida. Dito rin unang nasilayan sa kanyang unang U.S. fight si Jameson “Bring Home The” Bacon (25-4, 16KOs) laban kay Gonzalo Carlos Dallera (6-9, 4KOs).
Napanatili ni featherweight prospect John Leo Dato ang kanyang unbeaten streak ng maaga nitong tapusin si Mexican Angel Guevara sa loob lamang ng ikatlong round noong Agosto 31 sa Mexico.
Commenti