ni ATD - @Sports | February 16, 2021
Maraming nag-aabang sa vaccine upang magkaroon ng pangontra sa mapaminsalang coronavirus (COVID-19).
Lalo sa sa mga atleta upang makapag-ensayo na sila ng normal.
Para kay 2021 Olympic Games-bound Irish Magno, hindi siya takot magpa-vaccine dahil panlaban ito sa COVID-19.
Ang ikinatatakot lamang ni 29-year-old Magno ay ang magiging side effects ng vaccine, baka maapektuhan ang kanyang 'bubble' training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
“Okay po sa akin na magkakaroon kami ng (libreng) vaccine para iwas sa COVID po,” saad ni Magno. “Pero nagdadalawang-isip ako sa magiging side effect ng vaccine.”
May balitang may side effects ang vaccine tulad ng pamamaga ng braso, kasama ang pagsakit ng katawan at panginginig.
Nakaraan lamang ay nahayag na magbibigay si businessman Enrique Razon ng libreng coronavirus disease vaccine sa mga national athletes at coaches na magtutungo sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan at sa mga lalahok sa qualifying tournaments.
Maliban kay Magno ang ibang Pinoy athletes na may ticket sa Olympics na ilalarga sa Tokyo, Japan sa Hulyo ay sina boxer Eumir Felix Marcial, pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo.
Samantala, sa ibang balita, kung si dating Philippine Basketball Association, (PBA) star player Erik Menk ay mas nais nitong sa Europe tumungo si 7-foot-3 big man Kai Sotto.
Nag-post sa Twitter si dating PBA four-time Most Valuble Player, (MVP) Menk ng kanyang opinyon para sa basketball rising star na si Sotto.
"Kai Sotto ain’t making it as an 'American' big. I said 2 years ago, he should go to Europe. I stand by that....." saloobin ni Menk sa kanyang Twitter account.
Napurnada ang final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar, kaya bumalik na ng Estados Unidos si Sotto. Ito'y dahil tumaas ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Qatar.
Sisikapin ni Sotto na makabalik kasama ang Ignite sa on-going NBA G League season sa Walt Disney World Complex bubble sa Orlando, Florida.
Comments