top of page
Search
BULGAR

Boxer Marcial, wagi sa unang pro fight sa U.S.

ni Gerard Peter - @Sports | December 18, 2020





Agad na nagpakitang gilas si Filipino middleweight boxing prospect Eumir Felix Marcial nang kanyang dominahin ang American boxer na si Andrew Whitfield, Miyerkules ng gabi (Huwebes ng umaga sa Pilipinas) sa Shrine Exposition Center sa Los Angeles, California sa U.S. upang makuha ang kauna-unahang professional fight sa labas ng bansa.


Pinamaga ng 25-anyos na Lunzuran, Zamboanga City-native ang kanang mata ng 29-anyos mula Lewiston, Idaho at ipamalas ang malalakas na suntok sa pakikipagsabayan kay Whitfield (3-2, 1KOs) sa loob ng 4-round middleweight bout. Nakamit ng 2021 Tokyo Olympics-bound ang iskor na 40-36 sa mga hurado para sa unanimous decision upang makamit ang 1-0 rekord na bumitaw ng 310 punches para sa 120 na kumunekta rito habang ang kalaban ay mayroon lamang 46 punches sa may 273 na binitawan nito.


Naging magandang handog para sa 2019 AIBA World Championships silver medalist ang panalo sa kanyang boxing promoter na si eight-division world champion at World Boxing Association (WBA) welterweight champion Sen. Manny “Pacman” Pacquiao na nagdiriwang ng kanyang ika-43rd na kaarawan kahapon, Huwebes.


Ito ang maaari sa iba pang pro-fight ni Marcial bago magbukas ang kanyang daan patungong Summer Olympic Games na nakatakdang magbukas simula Hulyo 23-Agosto 8. Matinding preparasyon at paghahanda ang ginagawa ni Marcial sa unang pagsalang nito sa pro-boxing matapos ang matitinding strength at conditioning, gayundin ang pagsabak sa mabibigat na sparring sessions sa ilang eksperyensyadong boxers sa sikat na Wild Card Gym sa Los Angeles.


Pinutol din ni Marcial ang 2-fight winning streak ni Whitfield nang talunin sina Adam Smith at Thomas Turner.


Matatandaang pumirma ng 6-year contract si Marcial sa MP promotions ni Pacquiao nitong Hulyo ng taon upang matulungan siya sa kanyang paghahanda sa Summer Games. Nais ni Marcial na matupad ang pangarap ng kanyang ama at ng pumanaw na kapatid na mapanalunan nito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympiad. Naniniwala itong malaking tulong ang maibibigay ng kanyang pagsasanay sa ibang bansa, higit na kina Roach at sa Wild Card Gym.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page