ni Ambet Nabus @Let's See | August 4, 2024
Sa birthday celebration ni Barbie Imperial ay namataan ang mag-inang Tita Annabelle Rama at Richard Gutierrez.
Although alam naman nating may pinagdaanang ‘pagluluksa’ ang pamilya Gutierrez kamakailan, hindi naman ‘yun naging hadlang para hindi rin sila makisaya sa kaarawan ni Barbie.
Matagal nang nababalita ang espesyal na bonding nina Richard at Barbie, kaya’t kayo na ang bahalang mag-wan-plus-wan sa kung ano na ba talaga ang sitwasyon nila sa ngayon.
Basta ayon sa aming mga ka-Marites, since their sightings sa iba’t ibang lugar here and abroad, “Malamang na may something na ‘yan, more than friends.”
“And the fact na sinamahan o sumama pa si Tita Annabelle sa nasabing okasyon, that means something. It tells us a story na pabor s’ya o payag s’ya, ‘di ba?”
‘Yan ang mga pag-aanalisa ng mga Marites. Hahahaha!
Mga aktor-pulitiko d'yan, hoy, gising!!! GERALD, KUMANTA NA BAGO PA SI SANDRO, NAMOLESTIYA RIN KAYA UMALIS SA GMA-7
Naniniwala naman kaming hindi sumasawsaw si Gerald Santos sa isyu ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA-7 na posible ngang maharap sa kasong pangmomolestiya at iba pa.
Pinatutunayan lamang kasi ni Gerald na ang nangyari sa kanya noon ay laganap pa rin hanggang sa ngayon.
Nasaksihan namin kung paanong nag-suffer ang singing career ni Gerald after niyang umalis sa Kapuso Network. Mabuti na lamang at hindi siya basta-basta sumuko, though he could have achieved more sana.
Sabi nga namin, hindi lang ito ang unang ganitong pangyayari dahil kahit noong nasa ABS-CBN pa kami, may mga balita na ng harassment, molestation at iba pa, either involved ang same sex or the usual ones.
Noong kasagsagan ng mga ST (sex trip) movies, sobrang talamak ‘yan sa halos lahat ng film productions. Nagkaroon pa nga ng mga Senate hearing noon mula sa Brunei beauties na tinatawag hanggang sa mga ‘video scandals’ na subject ang mga aspiring actors o hindi kaya’y mga sikat nang celebrities na nagbebenta ng laman o simpleng nabiktima lang out of love and lust.
We can enumerate further pero sure naman kaming available ang mga tsikang ‘yan sa socmed (social media).
Comments