ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 31, 2023
Inaasahan ng Commission on Elections na mas maraming botohan ang isasagawa sa mga shopping mall sa taong 2025, dahil may interes ang mga developer na maglaan ng mas maraming espasyo para sa pangkalahatang halalan.
Nagsagawa ang Comelec ng tested mall-voting noong Lunes sa kasagsagan ng botohan sa Pilipinas para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa unang barangay elections matapos ang taong 2018.
"We have several partners already intimating to us that they'll be providing more malls," sabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa "Headstart" ng ANC.
Dahil sa limitadong implementasyon ng pilot test, kinailangang i-transport ang mga balota sa mga paaralan para sa pagbibilang ng mga boto, subalit sinabi ni Laudiangco na umaasa siya na buong proseso ng pagboto at pagbibilang ay magagawa sa mga mall sa taong 2025.
Nasa 60,000 botante ang itinalaga sa mga polling precinct sa mga mall sa Metro Manila, Cebu City, at Legazpi City noong Lunes.
Comments