top of page
Search
BULGAR

Bossing, pinalabas na rapist… P35 M CYBERLIBEL, ISINAMPA NI VIC VS. DARRYL

ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 10, 2025



Photo: Vic Sotto at Darryl Yap - FB, Divina Law, Darryl Yap


Si Maine Mendoza ang naging partner ni Joey de Leon sa Pinoy Henyo (PH) portion ng Eat… Bulaga! (EB!) kahapon, Huwebes.


Understandable na wala si Bossing Vic Sotto dahil finally ay nagpasya na itong sampahan ng kaso ang mapanirang direktor na si Darryl Yap kaugnay ng teaser video ng Pepsi Paloma movie nito.


Alas-nuwebe pa lang ng umaga kahapon ay pinag-uusapan na sa mga balita ang pagtungo ni Bossing Vic sa Muntinlupa City Regional Trial Court.


Kasama ang asawang si Pauleen Luna, sinampahan nga ni Bossing Vic ng 19 counts ng cyberlibel case si Darryl Yap, kasama pa ang kasong kriminal.


Ayon pa sa counsel ni Bossing Vic na si Atty. Buko dela Cruz, agad na kinatigan ng korte ang pagpapahinto ng socmed posting ng naturang teaser video. 


May halagang P35 million danyos ang kasama sa kaso pero alam naman nating lahat na walang-wala iyon sa nalikhang danyos ng naturang video. 


“Hindi mababayaran at walang presyo ang nagawang kasiraan sa reputasyon ng isang Vic Sotto. Buong buhay n’ya sa showbiz, inalagaan at inirerespeto ang name na Bossing Vic,” dagdag pa ni Atty. Buko.


“Ito na ‘yun, this is my reaction. Ako, wala naman akong pinepersonal. I’m just against irresponsible people lalo na social media,” bahagi naman ng pahayag ni Bossing Vic.


Well, sa dami ng nakikiisa sa ipinaglalaban ngayon ni Bossing Vic, hilong-talilong siguro ang mayabang, bansot at feeling magaling na director kung paano niya haharapin ang mga ito.


For sure, very soon din ay mabubulgar ang mga taong nasa likod niya o mga nagpondo sa kanya, lalo’t nagmamatapang pa ito sa pagpapahayag niyang lahat ay may kalayaang magsampa ng kaso laban sa kanya.


And yes, lahat po tayo ay nagdarasal para sa isang “speedy trial” para hindi na pamarisan ang mga ganitong kabalahuraan.


May the true and balanced justice prevail.


 

Video, kumalat, Jak…

DAVID, KINANTIYAWAN NI BARBIE NA MAGSERYOSO SA PANLILIGAW


Hindi nakalusot sa panunukso ng It’s Showtime (IS) hosts si David Licauco nang bumisita ito sa show kamakailan.


Napakainosente pa nitong napaniwala na may knee injury si Karylle dahil sa suot nito. Bilib na bilib ito sa sinabi ng mga hosts lalo na ni Meme Vice Ganda at nagtanong pa kung paano nakuha ng aktres-singer ang knee injury. Hahaha!


Ginugudtaym lang nila si David na nagawa pa nilang pasayawin na kinaaliwan ng madlang pipol.


Kalat na kalat na ang tsikang single na rin si David at kahit pinayuhan ito hinggil sa 3-month rule ng mag-jowa kaugnay ng Barbie Forteza-Jak Roberto breakup, mukha namang cool, chill at relaxed lang si David.


Kalat na kalat na rin ang isang video ng lumang guesting nila ni Barbie Forteza, kung saan tinutukso ito ng dalaga na maging seryoso at sincere sa panliligaw.


Ay, may ganu’n?!


 

INTERESTINGLY, kung may matindi mang pinagdaraanan si Bossing Vic Sotto, tila magkaugnay pa rin sila ng kanyang dating asawang si Dina Bonnevie. 

Yumao kasi ang mister ni Dina na si Undersecretary “DV” Savellano na dati ring governor ng Ilocos Sur. 


Halos huminto si Ms. D sa kanyang showbiz career dahil sa pinili niyang family career with Usec DV na never naman siyang pinagbawalan at all.


Last December 31 ay nag-post pa si Dina ng naging bakasyon nila sa Japan, pero nito ngang January 7, binawian ng buhay ang kanyang mister.


Napakalungkot na pangyayari ito para kay Ms. D na talaga namang sa kanyang mga interbyu ay sobrang ipinagmamalaki ang naging buhay-may-asawa niya, lalo’t kay DV daw niya natagpuan ang pagiging kuntento at masayang buhay-misis.


Nakikiramay po kami, Ms. D.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page