top of page
Search
BULGAR

Boses, nakakatorete raw… BARBIE, IPINATATANGGAL SA ALL-OUT SUNDAY

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 24, 2024



Photo: Barbie Forteza - Instagram


Ang laki-laki siguro ng inggit kay Barbie Forteza ng ilang mga bashers na nagsasabi na huwag nang isama si Barbie sa programang All-Out Sunday (AOS) dahil panira lang ang boses niya.


Pero bakit, musical variety show naman ang AOS, kaya dapat ay masigla at mataas ang pitch ng kanyang boses.


Komento pa ng ilang bashers, nakakatorete raw pakinggan ang matinis na boses ni Barbie sa AOS


Pero depensa ng mga fans ni Barbie, hindi puwedeng lalamya-lamya ang aktres kapag nasa AOS siya or else, matatabunan siya ng ibang Kapuso stars na kasama niya sa show.


Bentahe pa para kay Barbie na nakakapag-host siya, at kumakanta-sumasayaw din ‘pag kailangan. 


Dramatic star siya, pero kapag may mga shows ang GMA-7 na kailangan niyang mag-perform ay game si Barbie Forteza para mapasaya ang mga fans.


 

Hindi na nga ang pagiging matinee idol ang image na gustong i-maintain ni Aga Muhlach. Habang nadaragdagan ang edad, gusto naman niyang magbago ng image bilang isang aktor. Tapos na raw siya sa mga wholesome na roles na lagi niyang ginagampanan sa big screen.


Nagawa na niya ang halos lahat ng klaseng role sa pelikula kasama ang magagaling na aktres. 


Nang pansamantala siyang nagpahinga sa pag-arte, piling-pili na lang ang mga projects na kanyang tinatanggap. Naghintay lang siya ng tamang project na gigising sa kanyang interest at hahamon sa kanyang kakayahan bilang isang aktor. At dumating nga ang offer ng Mentorque Productions para gawin ang Uninvited movie. 


Kasama sa trabaho niya rito sina Vilma Santos, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, atbp.. Si Dan Villegas ang direktor. 


Dark ang character ni Aga at pumayag siyang maging kontrabida. Kaya tiyak na magugulat ang kanyang mga fans kung bakit niya tinanggap ang Uninvited movie. Kasali ito sa darating na MMFF 2024.


 

Ano na kaya ang nangyari sa Cats Cafe business na binalak itayo noon nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo? Cat lover ang mag-asawa at marami silang alagang imported na pusa.


Balak sana nilang gawing atraksiyon sa kanilang Cats Cafe ang mga ito. Kaya may mga nagtatanong kung itutuloy pa ba nina Jennylyn at Dennis ang kanilang negosyo?

Inabutan na kasi sila ng COVID pandemic. Tapos, inuna rin nilang itinayo ang kanilang container house, kaya hindi na nila naasikaso at nabigyan ng panahon ang kanilang Cats Cafe. 


Ganunpaman, bongga naman ang Christmas gift nina Jennylyn at Dennis para sa kanilang sarili. Isang brand-new white Land Cruiser ang kanilang binili para may magamit sila sa kanilang road trip. Karagdagan ito sa mga dati nilang sasakyan na naipundar. Deserve naman nila na regaluhan ang kanilang sarili ngayong Pasko.


 

MAPAPANOOD na ngayon ang Part 2 ng 29th anniversary celebration ng Bubble Gang (BG). Pinaghandaan ito ng production team ng BG dahil kakaibang presentasyon ang kanilang ihahandog sa mga viewers.


Hindi lang mga bagong gags ang mapapanood sa BG, may musical portion din at sasalang sa kantahan at sayawan ang cast.


Sasabak din sa mga skits ang beauty queen na si Rabiya Mateo. 


Hindi nauubusan ng mga magagandang ideya ang team ng BG para hindi sila pagsawaan ng mga viewers. At may partisipasyon ang buong cast sa kanilang anniversary presentation. Kitang-kita ang ibinibigay na effort nina Michael V., Paolo Contis, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Kokoy de Santos, atbp..

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page