ni Jasmin Joy Evangelista | February 13, 2022
Nag-o-offer ang isla ng Boracay ng COVID-19 booster shots para sa mga residente at foreign tourists nito.
Sa launching ng Resbakuna sa Botika at Resbakuna Kids sa Boracay nitong Biyernes, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na puwedeng magpa-booster shots kontra COVID-19 ang mga turista habang nag-e-enjoy sa kanilang bakasyon.
"Ang maganda, pupunta lang sila dito, tapos libre pa ang booster. [Mayroon pang] sand, beach, napakasarap na pagkain at bakunado lahat ng tao," ani Puyat.
Ayon kay Puyat, nasa 1,000 tourists pa ang inaasahang darating sa bansa hanggang sa Biyernes matapos buksan ang borders sa mga fully vaccinated foreign travelers.
Inire-require sa Boracay ang negative RT-PCR test results at proof of vaccination sa mga foreigners, at local tourists.
"Ang maganda sa Boracay, 100% vaccinated ang population at ang tourism workers ay walang vaccine hesitancy,” ayon pa kay Puyat.
Samantala, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez, na puwedeng maging role model para sa iba pang tourist destinations at areas sa bansa dahil sa vaccination rollout at coverage nito.
"You now harvest the fruits of your labor, first time now that we heard na zero ang COVID-19 cases dito. Despite the movement of people, talagang nakikita natin ‘yung effect ng vaccine na it really saves lives and prevents severe [cases] and hospitalization," ani Galvez.
"Dahil 100% na ang ating vaccination dito, we encourage the people of Boracay and Aklan, na kayo ulit ang maging model ng 100% na boosted [population]."
Comentarios