ni Julie Bonifacio @Winner | November 25, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_ab42c61e3a83420daa8f0852868db180~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2551ae_ab42c61e3a83420daa8f0852868db180~mv2.jpg)
Dahil sa patuloy na usap-usapan sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, naglilitawan din ang mga past interviews ng real-and-reel love team sa socmed.
Isa na d’yan ang interview sa kanila sa promo ng dati nilang serye sa ABS-CBN na Too Good To Be True.
Tinanong sina Kathryn at Daniel kung ano ang loyalty para sa kanila.
Nag-isip nang maigi ang dalawa kaya medyo natagalan bago sila sumagot.
Sagot ni Kathryn, “Loyalty for me is being contented. Because if you’re contented, you won’t look for anymore person. So, loyalty for me is for your contentment.”
Dito pa lang ay kita nang may hugot si Kathryn. Pinatatamaan kaya niya si Daniel na ‘di makuntento sa kanya?
Ayon naman kay Daniel, “Alam mo sino’ng pinaka-loyal? ‘Yung aso ko, si Summer. ‘Yun ang pinaka-loyal. Doon ko makikita ang definition ng loyalty, na kung anuman ang pinagdaraanan ko ngayon, kung anuman ang emosyon ko ngayon o kung sino ako ngayon, tatanggapin ako nang buong-buo. ‘Yun ang loyalty. Walang judgement kung sino ako.”
Hugot din, ‘di ba? Ibig kayang sabihin ni Daniel ay mas loyal ang aso niyang si Summer sa kanya kesa ang girlfriend niya for 11 years na si Kathryn?
Ang dami nang nagaganap na balitang pag-unfollow na kaugnay sa isyung hiwalayan nina Kathryn at Daniel, but until now, walang nagde-deny or nagko-confirm.
Wait na lang natin sino ang susunod na ia-unfollow ni Kathryn sa kanyang socmed accounts.
Comments