top of page
Search
BULGAR

BOOBS NI HEART, PINAG-AWAYAN NG FANS KUNG TOTOO O PEKE

ni Nitz Miralles @Bida | November 8, 2023



May reels ang pagbisita ni Heart Evangelista sa Ion Orchard Luxury Mall sa Singapore na siya ang ambassador. Kasama ang mga owners ng mall, inikot ito ni Heart.


Makikita sa reels ang electronic billboard ni Heart na mas maliit sa electronic billboard sa labas ng mall.


Nakakatuwa ‘yung pagtakbo ni Heart sa tabi ng isang electronic billboard sa loob ng mall at parang hindi makapaniwala na siya ‘yun.


Makikita rin na maraming tao ang nagpapa-picture sa kanya, may mga Pinoy at ibang lahi na hinahabol pa siya para makapagpa-picture.


Malaki ang electronic billboard sa labas ng mall, nadadaanan ng mga motorista at sa laki nito, talagang mapapatingin ka.


Tama rin ang caption ng reels na: “Heart all over Singapore,” at dahil sa billboard na ito, kahit ‘yung mga hindi pa kilala si Heart ay makikilala siya.


Hit si Heart sa Singapore at pati sa mga events na kanyang dinaluhan gaya ng launching ng opening ng new store ng Victoria’s Secret at Samsonite event. Nakilala niya sa launching ng Victoria’s Secret ang mga sikat na models gaya nina Taylor Hill at He Sui at sa Samsonite event, isa sa mga na-meet niya ang South Korean superstar na si Lee Dong Wook.


Anyway, naging controversial ang lumabas na photo ni Heart na nakaupo siya, walang suot na pang-itaas dahil parang magbibihis. Sa upo na ‘yun ni Heart, nakita ang gilid ng left boob niya.


Naging daan ang larawang ‘yun para mag-away-away ang kanyang mga fans at hindi niya fans.


Isyu sa mga netizens kung real ba o hindi ang boobs ni Heart. Kaya para matigil ang away, dinelete ni Heart ang post na ‘yun at sabi, “I didn’t know my side boob would cause fighting! Lol. I am flattered but para wala na away archived na muna mga sisssssy.”


May nakapag-screenshot ng boob post na ‘yun ni Heart, nai-post, kaya tuloy ang bardagulan ng mga netizens.


Dahil sa post na ‘yun ni Heart ng kanyang side boob, nalaman tuloy na boobsie siya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page