top of page
Search
BULGAR

Bongbong Marcos, negatibo ang resulta ng cocaine test

ni Lolet Abania | November 23, 2021



Sumailalim na si dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos, Jr. ngayong Martes sa isang cocaine test at isinumite nito ang resulta sa law enforcement agencies.


Nag-isyu ng statement si Marcos, matapos na ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine, isang ipinagbabawal na gamot.


“I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” ani Marcos, Jr.


“This is why I took a cocaine test yesterday and the result was submitted this morning to the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the office of the Chief of the PNP (Philippine National Police) and the National Bureau of Investigation. Let me reiterate my assurance to my fellowmen, especially to the supporters of BBM-Sara Uniteam, that I am, and will remain, a vigilant anti-illegal drugs campaigner,” dagdag pa niya.


Ang tinutukoy na running mate ni Bongbong ay ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte.


Ayon sa chief-of-staff ni BBM na si Vic Rodriguez, sa isang hiwalay na text message, ang presidential aspirant ay negative sa drug testing at ang resulta nito ay ipinadala na nila sa mga awtoridad.


Nanawagan naman si BBM sa mga kapwa niya aspirante na sumailalim na rin sa drug testing kahit pa ipinahayag na ng Supreme Court na ang pag-require sa mga kandidato na kumuha ng isang drug test ay ilegal, dahil anila hindi ito nakasaad sa ilalim ng Constitution.


“I’m calling again all elective aspirants to take the drug test to ensure our people, particularly the young generation, that no elected leader is into illegal substances,” sabi pa ni Marcos Jr.


Nauna nang nagpa-drug tests nitong Lunes sina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III, na tatakbo sa pagka-pangulo at bise presidente, ayon sa pagkakasunod, sa 2022 elections at ipinakita sa publiko ang kanilang negative results.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page