ni Lolet Abania | October 6, 2021
Si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulong sa 2022 elections ngayong Miyerkules.
Pasado alas-11:00 ng umaga, naghain si Marcos ng COC sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City. Kasama ng dating senador ang kanyang asawa na si Liza Araneta.
Nitong Martes sa isang Facebook video, inanunsiyo ni Marcos na tatakbo siya sa 2022 presidential race.
Kasabay ng kanyang pahayag ay ginanap ang kanyang oath taking bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), isang political party na kaalyado ng Duterte administration.
Una nang inendorso ng PFP si Marcos para sa 2022 presidential race noong Setyembre 21, ang anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ng kanyang ama, ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.
Samantala, nang tanungin si Marcos kung posibleng maging running-mate niya si Senador Christopher “Bong” Go, aniya, “Paano ‘yun? Bongbong-Bong? Bong to the third power?” “Baka puwede rin. We’ll see,” sabi ni Marcos sa mga reporters. Si Marcos ay nasa ilalim ng PFP habang si Go ay PDP-Laban (Cusi-win).
Comments