top of page
Search

BONG, PUMALAG NA ‘DI RAW MAHAL ANG MGA MUSLIM

BULGAR

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Mar. 30, 2025



Photo Bong Revilla - FB


Kahit maraming fake news na lumabas laban kay re-electionist Senator Bong Revilla ay hindi naman dapat paniwalaan ng madlang pipol. Katulad na lang ng hindi raw mahal ni Sen. Bong ang mga Muslim.


Ang sagot lang ni Sen. Bong, “Fake news. Alam kasi nila na mahal ako ng mga Muslim.”


Kaya dapat na tigilan na ng mga taong naninira kay Sen. Bong ang mga maling balita dahil nga may kasabihan tayo na, “You cannot put a good man down.”


Samantala, pinatunayan ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) na panalo ito sa puso ng Pinoy matapos magwaging Best Mini Series sa 38th PMPC Star Awards for Television nitong Linggo, Marso 23, sa Dolphy Theater.


Tuwang-tuwa si action star-lawmaker Senator Ramon Bong Revilla, Jr., na gumaganap bilang si TOLOMEEEE! sa panibagong karangalang iginawad sa kanilang serye.


“Grabe! Sobrang nakakataba ng puso! Mula umpisa hanggang dulo, ibinuhos namin ang lahat para mabigyan kayo ng isang palabas na hindi lang puno ng aksiyon at tawanan, kundi aral at lalim din. 


"Nagpapasalamat kami sa PMPC sa pagkilalang ito, sa aming production team, at higit sa lahat, sa mga manonood na walang sawang sumuporta,” pahayag ng mambabatas.


Kahit tapos na ang Season 3 ng show, hindi pa rin kumukupas ang kasikatan nito. Pinag-usapan ito dahil sa kakaibang timpla ng aksiyon, tawanan, at kurot sa puso.


Kasama ni Senador Bong sa tagumpay na ito sina Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, at iba pang mahuhusay na artista.


Usap-usapan ngayon kung magkakaroon ba ng Season 4 ang WMNPSMNM. Hindi pa ito kinukumpirma ni Senador Bong, pero marami na ang nag-aabang – babalik kaya si Tolome sa telebisyon?

Abangan!

 

Kailan lang ay nag-post sa social media si Ogie Alcasid na nakaranas siya ng pangungulila sa kanyang alagang aso. Pumanaw ang kanilang alagang aso na si Paul, na itinuturing na bahagi ng kanilang pamilya.


Sa isang emosyonal na post sa Instagram (IG), ibinahagi ni Ogie ang larawan ni Paul at ang kanyang masakit na mensahe.


Aniya, “Our hearts are broken. Go roam free in dog heaven, dear Paul. We love you.”

Matagal na panahon ding naging kasama ng pamilya si Paul.


“Hindi lang aso si Paul. Isa s’yang kaibigan, kasama, at bahagi ng bawat pag-uwi namin. Sa mga taong may alaga, alam n’yo ang sakit ng ganitong klaseng pagkawala. Mahal na mahal ka namin, Paul,” saad pa ni Ogie.


Dumagsa rin ang mga pakikiramay mula sa mga kilalang personalidad tulad nina Ryan Agoncillo, Janno Gibbs, Eugene Domingo, Sofronio Vasquez at ang kanyang ex-wife na si Michelle Van Eimeren. 


Sey ni Michelle sa post ni Ogie ay “I am so so sorry Ogie, Paul was a beautiful boy,” at sinagot naman ni Ogie ng “Ty (Thank you), Shelley. He was.”


Ang mga kaibigan at fans ay nagpadala ng mga mensahe ng simpatya at pagmamahal sa isang komento sa post, tanda ng suportang natanggap nina Ogie at Regine sa oras ng kanilang pagdadalamhati.


“Ogie, kami din po ay nakikiramay sa pagpanaw ng inyong alagang aso. Totoo ang kasabihan, ‘Dog is a man's best friend.’”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page