ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 27, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_ef44daf07b304c8e84d240efefbae8d6~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_ef44daf07b304c8e84d240efefbae8d6~mv2.jpg)
Super-bongga ang ginanap na selebrasyon ng 57th birthday at 50th anniversary sa showbiz ni Sen. Bong Revilla, Jr. last Monday night sa Okada Manila.
Sa tantiya namin, nasa 1,500 guests or more siguro ang dumalo para maki-celebrate kay Sen. Bong, bukod pa sa mga nag-video greet.
Ang sayang makita ng mga artistang nakatrabaho ni Sen. Bong na nag-perform at bumati sa stage tulad na lang nina Diamond Star Maricel Soriano at Beauty Gonzalez na naging leading ladies niya sa kanyang movie and TV project.
May song and dance number din sina Jean Garcia, Ara Mina, Sunshine Cruz, Sanya Lopez, Rabiya Mateo and Rochelle Pangilinan.
'Katuwa rin ang production number nina Tirso Cruz III, Roi Vinzon at Gardo Versoza na sinamahan ng mga komedyanteng sina Niño Muhlach, Long Mejia at Betong Sumaya.
Napakanta rin ang mga astig na action stars na friends ni Sen. Bong na sina Phillip Salvador, Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada.
Nag-video greet naman ang mga politician friends ni Sen. Bong, mga kapwa senador at maging sina PBBM at First Lady Liza Marcos, pati ang mga naging leading ladies na sina Sharon Cuneta at Star for All Seasons Vilma Santos.
Pero pinaka-touching para sa amin ang song number ng mga anak, manugang at apo ni Sen. Bong, lalo na ang duet nila ni Congw. Lani Mercado ng kantang The Prayer.
Todo-hingi ng pasensiya si Sen. Bong nang batiin namin after the program at tinatanong kung okay ba ang song number nila, at ang sagot namin, may bago na siyang career — as a singer! Hehe!
Nangiti naman ang ever elegant na si Congw. Lani nang sabihin ni Sen. Bong na kung mamamatay at mabubuhay man siyang muli, si Congw. Lani pa rin ang pipiliin niyang maging asawa dahil sa katatagan nito at lahat ng ginawa para sa kanya at sa kanilang pamilya.
Samantala, ilan pa sa mga nakasalubong naming artista sa venue ay ang mag-asawang Mikee Cojuangco at Dudut Jaworski, Sen. Raffy Tulfo, Ms. Lorna Tolentino, Amy Austria, Direk Gina Alajar, Jimmy Santos, Herlene Budol, Eric Nicolas among others.
Akala naman namin ay dumating si President Bongbong Marcos nang mamataan namin ang mga nasa 8 or 10 ding PSG, 'yun pala ay si Rep. Martin Romualdez. Umagaw talaga ng atensiyon ang pagdating ng house speaker dahil nga sa dami ng kanyang bodyguards.
Happy naman kami para kay Bryan Revilla na panganay ni Sen. Bong dahil finally, mukhang may girlfriend na uli ito dahil obyus sa galawan nila ng kasama niyang pretty and sexy girlash na may 'something' sa kanila.
Nakita nga rin pala namin ang controversial businessman na si Cedric Lee sa party ni Sen. Bong at sa dami siguro ng bisita, hindi sila nagkita ni Vhong Navarro na kasama naman si Jhong Hilario, or else, baka nagkaroon ng eksena sa party.
Anyway, happy and proud kami para kay Sen. Bong Revilla dahil umabot na siya ng 50 yrs. sa showbiz industry. Aba, bihira sa mga artista natin ngayon ang umaabot sa ganitong golden year sa showbiz, ha?
So, again, happy, happy birthday sa napakabait, always smiling face at generous na si Sen. Bong Revilla, Jr.! Cheers to another blessed year!
Kay Heaven naman ngayon…
JOSHUA, UMAMING PAIBA-IBANG BABAE ANG GUSTO
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_6e7b36bb83a3494cbffb512921182608~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_6e7b36bb83a3494cbffb512921182608~mv2.jpg)
Hindi naman daw nape-pressure ang magaling na aktor na si Joshua Garcia kahit first time niyang gumawa ng barkada movie na mala-Jologs noon, ang Fruitcake na wish ng mga producers nitong Cornerstone Studio, Create Cinema at Star Magic na makapasok as one of the 8 official entries sa Metro Manila Film Festival 2023.
Comedy kasi ang barkada movie na 'to, malayo sa mga unang ginawang pelikula at TV series ni Joshua na love story at drama.
Pero kahit first time mag-comedy, challenge ito kay Joshua dahil gusto raw niyang masubukan din namang gumawa ng ibang genre.
Walang ka-love team si Joshua sa Fruitcake although first team-up nila ni Heaven Peralejo sa movie dahil gaganap silang magdyowa.
Sayang at 'di nakadalo sa mediacon ng Fruitcake si Heaven kaya 'di namin naurirat sa working relationship nila ni Joshua.
Anyway, when asked kung feeling ba ni Joshua ay ready na talaga siya bilang solo actor na hindi na kailangan ng ka-love team, aniya, matagal naman na rin siyang walang ka-love team.
Ang ex-GF pa niyang si Julia Barretto ang last niyang ka-love team at happy daw siya na 'di nakatali sa ganitong tambalan dahil mas mai-improve niya ang sarili bilang aktor at may chance na iba-ibang leading ladies ang makatrabaho.
Nagpaka-humble rin si Joshua by saying na hindi lang siya ang bida sa Fruitcake, marami raw sila dahil kasama rin dito sina Enchong Dee, Ria Atayde, Heaven Peralejo, Dominic Ochoa, KD Estrada, Jane Oineza, Empoy Marquez, Queenay Mercado, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Kaila Estrada, at Karina Bautista.
Mula sa direksiyon ni Joel Ferrer at panulat ni Miko Livelo, abangan ang barkada movie ng taon na Fruitcake soon in cinemas nationwide.
Comentários