ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 10, 2024
Masaya at puro biruan ang nangyaring bonding at tsikahan ng PMPC (Philippine Movie Press Club) officers at members kay Sen. Bong Revilla, Jr. recently lamang.
Natanong ni yours truly ang matulungin at very friendly senador ng bansa na walang iba kundi si Sen. Bong Revilla tungkol sa political plans nito.
Tanong ni yours truly, "Sen. Bong, tatakbo ka ba uli this coming election?"
"Oo naman, siyempre. Bakit, gusto mo ba akong makulong uli?" sagot niya with matching pabiro kaya tawanan ang mga nakapaligid sa aming ilang kasamahan sa PMPC.
"As President?" asked uli ni yours truly.
"Hindi, as senator lang uli," pahayag niya.
Dagdag pa niya, "After ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay gagawin ko naman ang Alyas Pogi. Ia-announce natin 'yan, soon. Marami kasi ang nag-request, eh, 'Oh, gawin mo 'yung Alyas Pogi, ganyan-ganyan... kasi naka-one, two, three na tayo ru'n, so pang-apat na 'to."
May 3 or 4 episodes pa raw ang natitira sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis kaya hindi pa nila magawa ang Alyas Pogi. Maganda raw ang casting nila sa nasabing movie, buo na, kaso ayaw pa niyang i-announce para surprise raw muna.
"Kaya abangan n'yo ang malaking pasabog ng Imus Productions," saad pa niya.
Tapos, may pelikula pa raw siyang gagawin kaya kailangan daw umikot siya after in time for the next senatorial elections.
"Kaya abangan n'yo ang pagbabalik ng Imus Productions.... abangan n'yo ang pagbabalik ni Bong Revilla, Jr. sa pelikula. Kasi ang tagal na rin 'yung huling pelikulang nagawa ko... 'yung Agimat ata," pahabol na sabi pa niya sa amin.
Yes, Sir! Aabangan namin lahat ng gagawin mo sa pelikula at maging sa Senado, boom, 'yun na!
Nangyari na ang isa sa pinakamasayang moments sa telebisyon at pinakahihintay ng madlang people nang mag-debut ang longest-running noontime show na It's Showtime sa GMA nu'ng Sabado, April 6, na nag-trending worldwide sa Twitter at umani ng 500,000 peak concurrent views online.
Binuksan ng Asia's Unkabogable Superstar at birthday girl na si Vice Ganda ang It's Showtime sa isang mala-dune performance at sa pag-upo niya sa ituktok ng GMA logo sa building ng Kapuso Network pati na ang performance niya ng Thunder, Champion at Hall of Fame.
Samantala, sunud-sunod din na pasabog na performance ang hatid ng kanyang mga co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, and Cianne Dominguez para sa Kapamilya at Kapuso viewers.
Pinasalamatan din ng Unkabogable Star ang mga bosses ng ABS-CBN at GMA sa paggawa ng paraan upang mas malawak ang mapasaya ng programa.
Ayon pa sa kanya, ito ang tinuturing niyang best birthday gift at para ito sa madlang people.
"Ito ay para sa lahat ng madlang people na mapapasaya namin simula sa araw na ito. Ito ay para sa GMA at sa ABS-CBN, lahat ng mga nagtatrabaho sa It's Showtime, lahat ng mga staff natin, napakahuhusay at napakasisipag, at sa ating lahat na mga hosts, sa lahat ng mga kapiling nating mga Kapamilya, mga Kapuso," saad niya.
Samantala, kasama sa mga nakisaya at nakisali sa Karaokids segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty.
Sumalang naman sa espesyal na episode ng EXpecially For You ang Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee kasama ang ina niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez.
Sa ngayon, makisaya na sa buong pamilya ng It’s Showtime, 12 NN, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.
Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag ding palampasin ang Showtime Online U sa YouTube channel ng It's Showtime.
Comments