ni MC @Sports | August 29, 2024
World's no. 1 na ngayon si Islay Erika Bomogao sa International Federation of Muay Thai Associations ranking para sa -45kg female elite athlete.
Kamakailan lang, hinirang din si Islay na unang Filipina Muay Thai champion nang manaig kay Sarah Kwa, ang Australia’s Muay Thai state champion sa isang labanan sa Kenwick, Australia.
Samantala, gintong medalya naman ang naiuwi ng Philippine National team na sumagupa sa OCR World Championship 2024 sa San Jose and Doka Estate, Costa Rica noong August 22-25, 2024. Nakasungkit sila ng 1 gold, 3 silver at 2 bronze medals.
Gold sa OCR 100m Elite Female si Precious Cabuya para sa bagong world record 31.389 habang silver sa OCR 100m Juniors Boys & Girls sina Edris Dizon at Trisha Del Rosario.
Silver sa OCR 100m Youth Boys si Gavin Moses Ti, OCR 100m Elite Male silver si Mark Julis Rodelas at bronze si Ahgie Radan. Para sa OCR 100m Mixed Team Relay, bronze sina Jose Mari De Castro, Ahgie Radan, Mecca Cortizano at Precious Cabuya.
Dalawang bronze medals naman ang nasungkit ng national surfing team na sumabak sa Asian Surfing Championships sa Thulusdhoo Island, Maldives noong Agosto 12 hanggang 27. Nakuha naman ng team ang 2 bronze medals at copper sa torneo.
Sina John Mark Tokong, Neil Sanchez, at Remar Magaluna ang bronze sa Men's Team Shortboard habang si Troy Espejon ay bronze din sa U18 Boys Shortboard
Vea Estrellado, Diane Nogalos at Susan Escamilla.
Copper medalist naman bilang 4th place ang Women's Team Shortboard habang sina John Mark Tokong at Vea Estrellado ay qualified na sa Asian Games 2026 Aichi-Nagoya.
Comments