Bomba nahukay sa UST
- BULGAR
- Apr 27, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | April 27, 2023

Natagpuan ng mga construction worker ang isang vintage bomb habang naghuhukay sa construction site sa University of Sto. Tomas, kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila
Ayon sa Manila Police District-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU) ang vintage bomb ay isang Anti-Tank Rifle Granade.
Alas-3:10 ng hapon nang mahukay ang vintage bomb sa lugar.
Itinawag naman ni Joseph Badinas, UST Security Commander, ang nakitang vintage bomb sa MPD-Police Station 14 na siyang tumawag sa DECU para sa tamang disposisyon.
Comments