top of page
Search
  • BULGAR

Bolts, 'di napalagan ng NLEX; Titans, diniskaril ang Troopers

ni Clyde Mariano / GA @Sports | February 24, 2023


Kinuryente ng Meralco Bolts ang NLEX Road Warrriors, 114-98 para umabanse sa team standings sa 4-3 at palakasin ang quarterfinal campaign sa Governors Cup sa 47th PBA season sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni KJ McDaniel ang pagdiskaril sa kayang dating koponan at katuwang na tumipa ng game high 31 points sina Alein Maliksi, Chris Newsome, Aaron Black at Cliff Hodge upang dalhin ang Bolts sa pang-apat na panalo sa 7 laro at matagumpay na naiwasan ang pangalawang sunod na talo nang yumuko sa league-leading sister team at unang q'finalist Talk ‘ N Text, 104-111.

Nag-ambag si Maliksi ng 19, Newsome ng 18, Aaron Black, 15 at Hodge at diniskaril ang ambisyon ni Road Warriors coach Frankie Lim na lumapit ng isang laro para umabanse sa next round sa kartadang 5-2.

Samantala, naiwasan ng Choco Mucho Flying Titans na mauwi sa disgrasya ang panalo kontra Army Black Mamba Lady Troopers upang maitakas ang panalo sa dikdikang 5th set -23-25, 25-20, 25-16, 25-27, 15-11 mula sa mahusay na hambalos ni Regine Arocha sa unang laro ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Matapos makuha ang 2-1 set na kalamangan, tila nagulo ang mundo ng Choco Mucho sa 4th set ng gumuho ang 19-14 na bentahe sa fourth set ng unti-unting tyagain ng Lady Troopers na habulin ang kalamangan mula sa pagtutulungan nina Jeanette Villareal, Royce Tubino, at Nene Bautista na maitulak ang deciding 5th set.


Naging malaking tulong ang dating AU Lady Chiefs outside hitter sa 5th set na kumulekta ng kabuuang 13 puntos mula sa 12 atake at isang block, kasama ang 8 reception, upang suportahan ang pagbida ni Katrina Tolentino at Isa Molde na kumamada ng tig-18 atake, mula sa 20 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page