ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | May 28, 2023
Congratulations sa buong isla ng Bohol dahil kinilala ito ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang kauna-unahang Geopark sa Pilipinas.
Kasama ang Bohol sa 18 Global Geoparks na bagong kilala ng UNESCO mula sa iba’t ibang mga bansa na inanunsyo noong ika-216 session ng executive board ng UNESCO na ginanap sa Paris, France.
Bukod sa Bohol, ang iba pang bagong deklarang Geoparks ay ang Cacapava and Quarta Colonia (Brazil), Lavreotiki (Greece); Ijen, Maros Pangkep, Merangin Jambi and Raja Ampat (Indonesia); Aras and Tabas (Iran); Hakusan Tedorigawa (Japan); Mount Kinabalu (Malaysia); Waitaki Whitestone (New Zealand); Sunnhordland (Norway); Jeonbuk West Coast (Republic of Korea); Cabo Ortegal (Spain); Khorat (Thailand), and Mourne Gullion Strangford (United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland).
Kung susumahin, aabot na sa 195 ang idineklarang UNESCO Geoparks mula sa 48 na mga bansa.
☻☻☻
Ayon sa UNESCO, “The Philippines’ first UNESCO Global Geopark, Bohol Island, sits in the Visayas island group. The island’s geological identity has been pieced together over 150 million years, as periods of tectonic turbulence have raised the island from the ocean depths.”
“Traces of the island’s subterranean past can be found in the limestone which forms characteristic karstic structures,” dagdag pa nito.
Siyempre, kinilala rin ng UNESCO ang mga geosites na matatagpuan sa isla gaya ng mga kweba, sinkholes, cone karst, at ang ating natatanging Chocolate Hills.
☻☻☻
Nilikha ang UNESCO Global Geopark designation noong 2015 bilang pagkilala sa iba't ibang “geological heritage of international significance.”
Dahil sa pagkilala na ito sa Bohol Island, siguradong dadami pa ang mga turistang nais masaksihan ang kanyang ganda.
Kailangan siguruhin natin na mapapangalagaan ang natatanging kultura at proprotektahan ang likas na yaman ng isla.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments