ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 5, 2024
Photo: Sarah Lahbati / Instagram
Marami ang nakakapansin na blooming at maliwanag ang aura ngayon ni Sarah Lahbati, patunay na naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Richard Gutierrez.
Paninindigan na ni Sarah ang pagiging single mom sa dalawang anak nila ni Richard. Malaking tulong sa kanya na may pamilya siyang very supportive at inaalalayan siya sa pinagdaraanan niyang marital problems. Meron din siyang circle of friends na dumamay at binigyan siya ng moral support.
Well, hindi si Sarah ang tipo ng babaeng martir sa pag-ibig. Kaya niyang harapin ang mga pagsubok na dumarating. Hindi siya nag-self-pity nang maghiwalay sila ni Richard Gutierrez.
Bata pa, maganda at very smart si Sarah Lahbati, puwede pa niyang balikan ang kanyang showbiz career at palawakin ang kanyang mundo.
At dahil nasa kanya ang dalawang anak, feeling ni Sarah ay panalo siya sa aspeto ng pagiging isang ina.
Tatakbong vice-governor ni Vilma… LUIS, BETERANONG PULITIKO ANG BABANGGAIN SA BATANGAS
Dapat paghandaan nang husto ni Luis Manzano ang kanyang pagtakbo sa darating na midterm elections sa 2025. Mabigat at beteranong politician ang kanyang makakalaban. Ito ay ang ex-governor ng Batangas na si Hermilando “Dodo” Mandanas, na nagsilbing gobernador ng Batangas ng tatlong termino.
Taong 2016 pa siya nahalal na gobernador ng Batangas, kaya kilalang-kilala na ng mga Batangueño. Maganda ang track record nito, kaya lagi siyang ibinoboto.
At dahil tapos na ang kanyang third term bilang governor ng Batangas, kakandidato siya ngayon bilang vice-governor. Dito sila magkakasalpukan ni Luis Manzano na VG din ang tatakbuhin sa midterm elections. Magka-tandem si Luis at ang kanyang mom na si Vilma Santos na kandidatong gobernador ng Batangas.
Well, tiyak na aabangan ng lahat ang salpukang Manzano at Mandanas sa pagka-VG ng Batangas. Ano’ng diskarte-strategy kaya ang gagawin ng kampo ni Luis Manzano upang talunin ang isang veteran politician? Kailangan na full force ang gawing pangangampanya ng mga Vilmanians sa Batangas.
Sa iba nakahanap ng kakampi…
MGA BFF NI WILLIE, DEDMA SA PAGTAKBO NIYANG SENADOR
Sa kabila ng mga pambabatikos kay Willie Revillame dahil sa desisyon niyang tumakbong senador sa midterm elections, may ilang grupo naman na sumusuporta sa kanyang kandidatura.
Nakakuha nga ng kakampi si Revillame sa Manila Teachers Partylist dahil pareho raw sila ng ipinaglalaban.
Marami naman ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay walang comment/reaction ang malalapit na kaibigan ni Willie Revillame tungkol sa pagpasok niya sa pulitika. At hindi rin naman nababanggit ni Revillame kung sinu-sino ang mga kaibigang celebrities na tutulong sa kanya sa pangangampanya.
Well, inihanda naman ni Revillame ang sarili niya kung anuman ang kahihinatnan ng kanyang pagtakbong senador. For sure, hindi uubusin ni Willie ang kanyang kabuhayan upang gumastos nang bongga sa kanyang pangangampanya. Matalino at madiskarte si Willie at mahusay humawak ng kanyang finances.
Opmerkingen