top of page
Search

Blessing sa wushu ang pagkansela ng SEAG Vietnam

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | July 16, 2021




Kung sa ibang National Sports Associations (NSAs) at national athletes ay nakadidismaya ang pagkakaliban ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ngayong taon, ‘blessing in disguise’ naman para sa Wushu Federation of the Philippines (WFP).


Dahil sa naging malaking epekto ng mapaminsalang COVID-19 pandemic sa biennial meet, kahit paano ay malaking tulong para mas makapaghanda at makapagprepara ang wushu national team na napahinto ang pagsasanay dahil sa umiiral na mahigpit na health protocols.


Inihayag ni bagong wushu chief Freddie Jalasco na ang paglipat ng petsa ng SEAG sa 2022 ay mainam para makapagplano sila ng maigi at mapahaba pa ang ensayo ng mga atleta. “It’s very fortunate for us, most specially sa mga wushu athletes because, if I’m not mistaken, since nagkaroon ng pandemic ay nahinto sila sa regular practice dahil nag-uwian sila sa mga bahay kaya self-practice lang at walang group practice. Although continuously namo-monitor sila ni technical committee head Samson Co through online training,” pahayag ni Jalasco, kahapon ng ng umaga sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air. “Magandang opportunity for us yung postponement dahil at least makakabalik tayo ng full sa ating ensayo lalo na sa mga atleta. Buti na lang na-cancel dahil hindi tayo cramming,” dagdag ni Jalasco sa programang suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), GAB at Pagcor.


Aniya, matatag at kumpleto pa rin ang kanilang line up at pipilitin nilang maipagtanggol ang overall title noong 2019 SEAG sa bansa na kumubra ng 11 medals mula sa 7 gold, 2 silver at 2 bronze.


Umaasa ang long-time wushu official na magkakaroon nang linaw ang gagawing ‘bubble camp’ training na planong idaos sa 5th floor ng Philippine Center for Sports Medicine Building sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila na dumaraan sa renobasyon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page