top of page
Search
BULGAR

Blacklists International silver medal sa IESF MLBB

ni Gerard Arce - @Sports | December 13, 2022



Kinapos na mapagtagumpayan ng Blacklist International/Sibol Pilipinas ang isang pangunahing torneo para sa Mobile Legends: Bang Bang event, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nangyari ito ng dalawang beses kontra sa iisang koponan laban sa Indonesia sa finale ng International Esports Federation World Championships.


Tinapos ng Indonesia ang winning streak ng Blacklist sa bisa ng pagwalis dito sa 3-0 sa MLBB para awtomatikong makuha ang 1-0 bentahe mula sa upper bracket para sa gintong medalya, habang nag-uwi ng silver ang Pilipinas. Huling beses natalo ang bansa sa MLBB sa M1 World Championships.


Bago ang masaklap na pangyayari ay sunod-sunod ang panalo ng mga Filipino sa torneo sa 30th Southeast Asian Games (SIBOL), M2 World Championships (Bren Esports), MSC 2021 (Execration), M3 World Championships (Blacklist International), 31st Southeast Asian Games (SIBOL), at ang MSC 2022 (RSG PH).


Pinagbidahan ni Jabran “Branz” Wiloko gamit ang Beatrix para pamunuan ang EVOS Legends-backed Indonesia sa 17-minutong panalo sa Game One. Itinala nito ang malinis na 8-0-6 KDA, habang ang gamit ni Rachmad “DreamS” Wahyudi na Franco ay naging malaking tulong sa nailistang tatlong kills, dalawang deaths, at game-high 10 assists.


Ipinagpatuloy naman ni DreamS ang kanyang mahusay na laro para sa Indonesia, ng umiskor ito ng walong kills at limang assists at apat na deaths gamit si Kadita upang tulungan ang koponan para sa gold-winning Game Three.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page