top of page
Search

Blacklist rumesbak, AP Bren, matikas pa rin

BULGAR

ni Rey Joble @E-Sports | March 18, 2024





Gaya ng inaasahan, nagpakitang Gilas ang Blacklist International para maiparamdam kaagad ang kanilang pagnanais na makuha ang titulo sa MPL-PH Season 13.


Tinalo ng Blacklist International ang Minana Evos, 2-1, at makapagbaon ng mas mataas na kumpiyansa. Galing sa mapait na pagkatalo sa tila grand finals level na sagupaan sa nagtatanggol na kampeong AP Bren Esports, 2-0, binuhos ng Blacklist ang kanilang atensyon sa paggapi sa Minana Evos at bumalik sa trangko.    


Matapos ang mainit na pasimula sa season kung saan dinaig ng Minana Evos ang TNC Pro, 2-0, hindi nila nabitbit ang klase ng laro laban sa gutom na Blacklist.  Sinamahan ang mga Agents ng Blacklist sa hilera ng mga nagwaging koponan ng Echo Express na madaling idinispatsa ang Onic Philippines, 2-0. Pahirapan naman para sa RSG Philippines ang pagsungkit sa 2-1 panalo kontra Smart Omega.


Samantala, magsasanib-puwersa ang Snapdragon Pro Series at Moonton Games para mas palakihin ang mas gawing kapana-panabik ang kompetisyon ng Mobile Legends: Bang Bang.


Ang tambalan ng naturang mga grupo  ang magbibitbit sa pinakapapular na mobile Multiplater Online Battle Arena game sa buong mundo sa iba’t-ibang rehiyon na kinabibilangan ng Snapdragon Pro Series.


Itinuturing na pinakamalaking  multi-title mobile esports league and dadalhin ng naturang grupo na magbibigay ng pinagsamang premyo na USD $780,000.


Ang mas pinalaking torneo ay maghahatid ng mas magandang kompetisyon sa mga kalahok na kinabibilangan ng mga bansa sa Europa, Latin America, gitnang Asya, at hilagang Africa, ay maghahatid din ng bagong plataporma para sa mga kababaihang players.   


Nakatakdang ilunsad ang all MLBB women’s league sa Southeast Asia. “With MLBB Esports having already begun taking root in the mainstream, our focus is on expanding our ecosystem to be even more inclusive and accessible,” ang sabi Ray Ng, Head of Esports Ecosystem, MOONTON Games. “We’re delighted to team up with Snapdragon Pro Series again to offer the international MLBB community even more opportunities to watch, compete, and celebrate their passion for the game.”


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page