ni Lolet Abania | August 29, 2020
Sumakabilang-buhay na ang aktor na si Chadwick Boseman, gumanap na Black Panther sa Marvel cinematic universe, dahil sa sakit na cancer, kahapon, ayon sa kanyang representative.
Pumanaw si Boseman sa edad na 43, sa kanyang tahanan sa Los Angeles, kung saan kasamang namumuhay doon ang asawa at pamilya, pahayag ng publicist na si Nicki Fioravante sa The Associated Press.
Si Boseman ay na-diagnose ng pagkakaroon ng colon cancer, apat na taon nang nakaraan, ayon sa statement ng kanyang pamilya.
"A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much," pahayag ng pamilya.
"From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson's Ma Rainey's Black Bottom and several more -- all were filmed during and between countless surgeries and chemotherapy. It was the honour of his career to bring King T'Challa to life in Black Panther."
コメント