top of page
Search
BULGAR

Blachowicz at Nunes, malulupet ang mga kamao sa UFC 259

ni Gerard Peter - @Sports | March 9, 2021





Matagumpay na naipagtanggol sa unang pagkakataon ni Polish power puncher Jan “Prince of Cieszyn” Blachowicz ang kanyang UFC Light-Heavyweight title matapos ihatid nito ang unang pagkatalo kay reigning UFC middleweight title holder Israel “The Last Stylebender” Adesanya, Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Pilipinas) sa main event ng UFC 259 sa UFC Apex facility sa Las Vegas, Nevada.


Hindi hinayaan ng 38-anyos mula Warsaw, Poland na makuha ng Nigerian born, New Zealand-based fighter ang ikalawang titulo sa ibang dibisyon at mailinya ang sarili sa mga nakakuha nito na kinabibilangan nina Conor “Notorious” McGregor (Feather and Light), retired Daniel Cormier (Light-heavy and Heavy), retired Henry Cejudo (Flyweight and Bantam) at Brazilian Amanda Nunes (Women’s Bantamweight at Featherweight), na mabilis na tinapos ang sarili niyang title defense laban kay sa 6-footer na si Megan Anderson ng Australia via 1st round triangle Arm bar submission para sa Featherweight title sa main card event.


Sumandal sa magkasunod na takedown mula sa 4th at 5th round ang defending champion na si Blachowicz (28-8, 8KOs, 9Subs) para makuha ang pabor ng mga hurado mula sa 49-45, 49-45, 49-46 na unanimous decision victory.


Bago lumaban si Adesanya sa 205-pound division ay naipagtanggol nito ang kanyang 185-lbs title kay Paulo Costa ng Brazil nung Setyembre 27, 2020 sa Yas Island, sa Abu Dhabi sa pamamagitan ng 2nd round TKO. Para naman kay Blachowicz, magpapahinga muna ito panandalian at paghahandaan ang susunod na challenger na si Glover Teixeira ng Brazil. “I think [Teixeira] deserves it,” saad ni Blachowicz. “He'll have to wait a little bit, so I can rest and be with my family. But he will wait, he will be next.”


Tila wala namang makakapigil o makakatapat pa sa ngayon sa No.1 women’s pound-for-pound fighter in the world na si Nunes (21-4) na inirehistro ang kanyang 12-fight winning streak laban sa Queensland, Australia fighter na si Anderson (10-5) na walang nagawa sa bagsik ni Nunes.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page