ni Lolet Abania | February 19, 2021
Aabot sa 50,000 motorista ang makikinabang sa pagbubukas ng dalawang dagdag na lanes sa Subic Freeport Expressway (SFEX), ayon sa taya ng pamunuan ng North Luzon Expressway.
Gayundin, maaari nang gamitin ang lahat ng apat na lanes ng SFX. “‘Pag two lanes lang, hindi ka rin puwedeng mag-overtake. Very limited and siyempre, malaki ang cause ng traffic,” ani Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.
Ayon sa mga awtoridad, umaasa silang hindi lamang makatutulong sa ekonomiya sa kabuuan ang SFEX, kundi makapagbibigay-daan din ito sa pagtatayo ng mga negosyo sa kalapit na lalawigan gaya ng Bataan, Zambales at Pampanga.
“This Subic Bay Freeport Expressway Expansion is key for us to get more investors and generate more jobs, because it will provide easy access not just for people but for goods traversing toward Northern Luzon and Central Luzon,” ani SBMA Chairman Wilma Eisma.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tumagal lamang ang biyahe niya mula Maynila patungong Subic ng dalawang oras kumpara noong umaabot ng anim na oras.
“’Nu’ng kabataan ko pa, 6 na oras po para makauwi… Ngayon po, with this expressway, talagang parang 2 oras na lang. Maraming salamat po at maraming salamat din po sa ngalan ng mga dolphines,” sabi ni Roque.
Sa ngayon, magagamit na ng mga motorista ang SFEX nang libre hanggang sa wala pang inaaprubahang toll fee ang Toll Regulatory Board.
Comments