top of page
Search
BULGAR

Biyahe ng RoRo sa Caticlan, balik-normal na

ni Jasmin Joy Evangelista | December 19, 2021



Balik-normal na ang vessel trip papunta at paalis sa Caticlan jetty port simula alas-5:00, umaga ng Sabado, Disyembre 18.


Ito ay matapos tanggalin ang tropical cyclone wind signal sa Aklan bunsod ng pananalasa ng bagyong Odette.


Ayon kay Chief Master Jackielou Ang ng Philippine Coast Guard (PCG) Aklan, simula kahapon ng umaga ay nakabalik na ang mga biyahe ng Ro-Ro vessel mula sa Caticlan papuntang Batangas, Mindoro at Romblon.


Balik-biyahe na rin ang mga unit ng Caticlan-Boracay Transport Multi-purpose Cooperative (CBTMPC) mula sa isla ng Boracay patawid sa mainland Malay at vice versa.


Samantala, inabisuhan ng PCG-Aklan ang lahat ng mga pasahero na patuloy na sundin ang health, safety, at travel protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo pa at nakapasok na ang Omicron variant sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page