ni MC - @Sports | May 9, 2022
Napanatili ni unbeaten Dmitry Bivol ang kanyang WBA light-heavyweight world title sa bisa ng unanimous points decision laban kay Saul "Canelo" Alvarez kahapon at ganap na ibigay sa Mexican superstar ang ikalawang pagkatalo sa buong buhay nito bilang boksingero.
Umibayo ang record ng Russian na si Bivol, 31-anyos, sa 20-0 panalo-talo at may 11 knockouts, habang ang multiweight champion na si Alvarez, isang heavy favorite ay lagpak sa 57-2 at may 2 draws. Ang tangi niyang talo ay ang laban niya kay Floyd Mayweather sa light middleweight noong 2013.
Nakapagtala uli sa boxing history si Alvarez noong Nobyembre nang talunin niya si Caleb Plant upang maging unang boksingero na napag-isa ang lahat ng apat na super middleweight world title belts.
Nagwagi rin siya sa light-heavyweight kontra Sergey Kovalev sa 11th round para sa WBO 175-pound title noong November 2019.
Hindi sumuko si Bivol bagama’t nasisiyapulan na siya ng pressure kay Alvarez at hindi rin nagpapakitang nasasaktan ng Mexican na nahirapan din sa depensa ng Russian.
"He hurt my arm," ani Bivol habang ipinakikita ang puro pasa na braso. "I felt his power, you can see on my arm. He beat my arm up — but not my head."
Lahat ng 3 hurado na sina Tim Cheatham, Dave Moretti at Steve Weisfeld ay nagbigay ng iskor na 115-113 pabor kay Bivol. Napakalaking pagkadismaya naman ito para sa pro-Alvarez fans sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, na umaasa pa naman ng Mexican victory sa panahon ng Cinco de Mayo holiday weekend.
Comments