ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 5, 2025
Photo: Mavy at Ashley - Dani Barretto IG - Niceprint photo
Namataan na magkasama sina Mavy Legaspi at Ashley Ortega sa binyag ng anak ng second baby ni Dani Barretto.
Resibo na ba ito na may relasyon na nga ang dalawang Kapuso artists?
Komento ng mga netizens:
“Ito ang never nagawa ni Mavy kay Kyline (Alcantara), which is to bring her to family events and isa sa mga reasons why Kyline was always insecure in the r/s. I know she already has Kobe (Paras) but this must sting a bit for her.”
“Sa idolet mo lang ganyan si Mina kasi namimisikal.”
“Assumera. she welcomed K before, but may itinatago rin si K. Buti na lang hanggang cryptic post lang si Mudra, ‘di n’ya dinivulge ‘yung alam n’ya in private.”
“Of course, I’m expecting this kind of response. Lahat na lang ibe-blame si Carmina when you don’t even know the whole story. Akala mo naman ‘yung K mong idol, eh, kapuri-puri.”
“Girls, pro tip lang, don’t get involved with a mother’s boy.”
“Ang pretty pala ni Ashley. Ang daming pretty sa GMA, hindi lang marunong mag-hype, nakakaloka!”
“Gandang-ganda talaga ako kay Ashley, lalo na nu’ng hindi pa veneers ngipin n’ya. Medyo nag-iba kasi face n’ya nu’ng nag-veneers, pero pretty pa rin naman. Magaling din s’yang umarte.”
“Maraming artista ang pumangit sa veneers! Nasisira ‘yung natural smile at parang nagiging mga chipmunks, LOL (laugh out loud).”
Nagluluksa ngayon ang mga fans ni Barbie Hsu a.k.a Shan Cai sa Meteor Garden (MG) na talagang sinubaybayan ng mga fan years ago.
Shocked sila sa maagang pagpanaw ng leading lady ni Jerry Yan sa edad na 48. Marami nga ang nag-aakala na si Shan Chai ay isang Korean actress, but she’s a Taiwanese.
Minahal ng mga Pinoy si Shan Cai. Talagang tinutukan noon ang MG na if I am not mistaken ay nasa 150 ang volumes nito sa CD, kung saan maging ang inyong lingkod ay naging fan ng MG.
Ang ikinamatay umano ni Barbie ay due to complications from pneumonia.
Ang leading man niyang si Jerry Yan ay may post ng pasasalamat sa Taiwanese actress.
“Thankful for meeting you, in your carefree childlike years, you always said to live every day as if it were your last and enjoy it to the fullest. I hope this time, you will go slowly and from now on, in another world, there will be no troubles and the years will be peaceful,” post ni Jerry sa Weibo, a famous Chinese microblogging social media site.
Ang Taiwanese actor ay gumanap na leading man ni Barbie sa karakter nitong Dao Ming Si.
Halos iisa ang mga mensahe ng mga fans ni Shan Cai. Forever daw nilang mami-miss ang kanyang iconic role sa Meteor Garden.
NAG-POST si Alex Gonzaga ukol sa obsession niya sa Meteor Garden (MG).
Sa Instagram (IG) Stories, Alex wished Barbie’s soul an eternal peace.
Ibinahagi pa niya ang photo nila ni Luis Manzano kung saan ginagaya nila ang karakter nina Barbie Hsu at Jerry Yan bilang Shan Cai at Dao Ming Si.
Ani Alex, “My Shan Cai!!!! Rest in peace. Thinking how Dao Ming Si feels [crying emoji].”
Sey pa niya, “My obsession with Meteor Garden is real.”
Talagang nalungkot si Alex sa pagpanaw ni Barbie Hsu.
Comentarios