ni Zel Fernandez | April 29, 2022
Umalma ang isang mambabatas ng Gabriela Partylist sa paghingi ng halik ni UniTeam senatorial candidate Herbert Bautista sa babaeng supporter, kamakailan, sa isang campaign sortie ng partido.
Kita sa isang TikTok video na nagpapahalik si Bautista sa isang supporter na kapansin-pansin ang pagkailang at halatang hindi komportable ang babae sa hiling ng kandidato.
Ayon kay Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, hindi katanggap-tanggap ang naging kilos ng senatorial candidate dahil ‘cheap’ at ‘degrading’ ang ginawa nitong paggamit sa babaeng supporter para sa kanyang ‘macho image’.
Giit ng assistant minority leader, mali na gawing kasangkapan ang mga kababaihan para aliwin ang madla sa pangangampanya ng mga pulitiko.
Ani Brosas, “It’s about time that we address this rising trend of misogynist acts in the campaign trail — through guidelines that will prohibit lewd and degrading political campaigns and sorties. We hope the COMELEC will consider this in the future political exercise if not at the current period.”
Samantala, hinimok ni Brosas ang Commission on Elections (COMELEC) na maglabas ng karagdagang panuntunan na magpapataw ng parusa sa mga political rally na magsasagawa ng pangha-harass o pambabastos sa mga kababaihan, sang-ayon sa Republic Act 9710 o Magna Carta of Women and the Safe Spaces Act.
Comments