top of page
Search
BULGAR

Bishop Pabillo, binanatan si Roque sa pagiging pikon

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 13, 2021


Dinepensahan ni Manila Bishop Broderick Pabillo ang publiko, partikular na ang reporter na nabansagang ‘unchristian’ ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kuwestiyunun ang pagkaka-admit nito sa Philippine General Hospital (PGH) gayung maraming COVID-19 patients ang naghihintay ding ma-admit at nananatiling nasa waiting list ng mga ospital.


“I think that’s an unchristian question. Ang aking assurance lang sa administrasyon po ni Presidente Duterte, lahat ng merong pangangailangang medikal, eh, mabibigyan po ng tulong. At ‘yun naman po ay dahil sa ating isinulong na Universal Healthcare nu’ng 17th Congress,” matatandaang sagot ni Roque sa virtual conference kahapon, na kaagad ding umani ng batikos sa social media.


Paliwanag ni Pabillo sa naging panayam sa kanya ngayong umaga, "It was uncalled for na bansagan mo ang mga taong nagtatanong nang maayos naman at legitimate naman ang question. Hindi. Papaano naging 'unchristian' 'yun? It was an innocent question."


Dagdag niya, "Ang public figures dapat, maging transparent sila sa pagsagot sa mga tao. 'Yan ang problema. ‘Pag nagtatanong, sa halip na sagutin ang tanong, ad hominem ang kanilang sagot, titirahin ang nagtatanong. Hindi naman tama 'yun."


Tumanggi namang magkomento ang Department of Health (DOH) sa prioritization na naganap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page