ni Jeff Tumbado @News | September 6, 2023
Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ng isang taon ang validity period sa mga driver's license na apektado ng temporary restraining order (TRO) na inisyu ng korte laban sa delivery at pagproseso ng mga plastic ID card.
Ito ang kinumpirma ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II sa pagdinig sa budget deliberation sa House of Representatives kasunod ng paghahayag nito na isang “commitment” sa kanyang ahensya na masolusyunan ang problema sa loob ng isang taon.
“Because of a pending TRO or cases with the LTO perhaps the public with renewing their driver’s license there’s no reason why you can’t just make it one-year. I’d like to confirm with the LTO that they will agree with and some members to go ahead and allow one-year renewal of those driver’s licenses that cannot be renewed at this point because of the pending case… can I confirm that with the LTO Asec. Mendoza?” tanong ni House Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar Rep. Paul Daza kay Mendoza.
“Yes sir, we confirm the one-year extension,” sagot naman ni Mendoza.
Ikinagalak ni Daza na nagsabing maituturing itong “good news” sa publiko lalo na ang mga motoristang makikinabang dito.
Nag-isyu kamakailan ng TRO ang Quezon City Regional Trial Court Branch 215 at inatasan ang LTO na pansamantalang itigil ang kontrata sa Banner PlastiCard, kaugnay sa 5.2 million plastic cards.
Mahigit 12 oras ang budget deliberation ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2024 budget ng DOTr at ng mga attached agencies nito bago ito naaprubahan sa committee level ng Kamara na nagkakahalaga ng mahigit P214 bilyon.
Ang ahensya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may maliit na pondong inilaan na nagkakahalaga lamang ng P500 milyon.
Comentários