ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 1, 2024
Kinuyog na naman ng mga bashers si Sharon Cuneta dahil lang sa isang joke niya about her full name.
Ikinuwento ng Megastar sa kanyang latest Instagram post na tinanong daw siya ni Nurse Len ng St. Luke’s Hospital kung ano ang kanyang full name at ang sagot daw niya ay "Julia Roberts".
Sineryoso ito ng mga netizens at pinagsabihan si Shawie na protocol sa hospital na magtanong ng full name kahit pa sikat siya.
“It’s a standard protocol to ask identification. Nurses don’t ASSUME! Kahit sikat ka pa!” sabi ng isang netizen.
“Regardless po kung sino at ano ang estado sa buhay ng isang pasyente, artista man o presidente, tatanungin ang pangalan upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng pasyente bago sa anumang proseso kahit pa MRI po, upang tiyakin na ikaw ang tamang pasyente. Ito po ay isang nursing protocol. Bilang isang propesyonal na nars, hindi po kami dapat loko-lokohin ng kahit sino man, ang nars na iyon ay naglilingkod lang po sa kanyang trabaho.
"Ma'm, hinahangaan po kita ngunit sa iyong post, patawad po, hindi ko alam kung paano maipaliwanag ang aking nararamdaman pagkatapos kong makita ang post na ito,” mahabang reaksiyon naman ng isa pa.
“The Nurse did the right thing. Rules applies to everyone-celebrities or non-celebrities! There’s a place and time for jokes!” sey naman ng isa pang IG user.
“Hindi po, Ms. Sharon, I think you knew why. We have to ask the patient, it is an identifier for us, for medication, labs all in the name of safety. I am sure she knows who you are but, it has to come from you…I hope you don’t take it against her, protocol,” paliwanag naman ng isang netizen na apparently ay isang nurse.
Ang isa naman ay nag-shout-out pa sa anak ni Shawie na si KC Concepcion para pagsabihan daw ang ina.
“@kristinaconcepcion Please tell your Mom, as a nurse it’s our job to identify her, she must verbally state her name! It’s an egoistic joke for nurses! What she wants @reallysharoncuneta we will write in the file Sharon Cuneta conception?” sey ng netizen.
In fairness ay marami naman ang nagtanggol kay Sharon at ipinaliwanag nila na nagbibiro lang daw ang Megastar.
“Kalma lang po tayong lahat. Protocol po 'yan (I’m 100% sure she knows this. Hindi niya first time pumunta ng hospital. Kahit sumakay ng eroplano, or mag-apply for passport, etc., same ang protocol. Matalino ang mama). Pero alam din nating pagkatapos sabihin ng Mami ang Julia Roberts, malamang sinabi niya rin 'Just kidding. It’s Sharon Cuneta.'
Of course for the sake of this post and to humor us all, hindi na niya isinali 'yung part na 'yun. Loosen up a little bit, folks! Hindi naman life or death ang question ng nurse para hindi na puwedeng biruin for one second. Chill lang,” pagtatanggol ng isang supporter ni Mega.
“'Yung iba dito, 'di ata nakuha ang humour ni Miss Sharon, I think she was just joking and giving Julia Roberts name. Ang serious naman ng iba, siyempre, alam naman ni Miss Sharon bakit need full name. Hehe,” depensa naman ng isa pa.
“It’s not funny. It’s a protocol to confirm your name and birthdate coincides with the document the staff is holding,” sagot naman ng isang netizen.
Nakakaaliw na pati ang pagbibiro ni Sharon ng full name niya ay talagang naging big issue sa mga netizens.
By the way, pumunta ng ospital si Sharon para sa kanyang Magnetic Resonance Imaging o MRI test.
Matatandaang sinabi ni Mega sa isa niyang post na mayroon siyang mga health issues at kailangang magpa-MRI.
Comments