ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 21, 2023
Pinadali na ang proseso ng pagpaparehistro sa mga revenue district offices (RDO) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa Taxpayers Registration Related Application Portal (TRRAP) na nag-aalok sa mga taxpayers ng electric revenue para isumite ang kanilang mga aplikasyon.
Inilunsad noong Oktubre 16, saklaw ng TRRAP ang maraming uri ng mga transaksiyon kaugnay ng pagpaparehistro.
Kasama rito ang aplikasyon para sa mga Tax Identification Numbers (TIN), pagpaparehistro ng overseas Filipino workers at non-resident citizens, awtorisasyon para sa pagpapa-print ng resibo at invoice, pag-update ng email address, pagpaparehistro ng mga bagong empleyado, at pag-update ng apelyido sa pagkadalaga ng mga babaeng kasal.
Nagsagawa ang BIR ng mga webinar upang ipaalam sa mga taxpayer ang bagong sistema ng pagpaparehistro at gabayan sila sa proseso ng pag-access sa TRRAP upang mapadali ang pagsunod sa mga patakaran ng pagbubuwis.
"With the introduction of this new registration portal, we anticipate a significant enhancement in taxpayers' compliance with BIR's registration requirements," ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr.
תגובות