ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 11, 2023
Opisyal nang pinangalanan ng pamahalaan ng Quezon City bilang Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue ang BIR at Agham roads ngayong Sabado, bilang pagpupugay sa mga ambag ng yumaong senador sa bansa.
Dumalo sa seremonya ng pagbabago ng pangalan sina VP Sara Duterte, Mayor Joy Belmonte, Rep. Arjo Atayde, kasama ang balo ni Sen. Santiago na si Narciso Santiago, at kapatid na si Linnea Evangelista.
Nagmumula ang Sen. Miriam Defensor-Santiago Avenue sa North Avenue, na dumadaan sa Quezon Avenue, patungo sa East Avenue.
Sa seremonya, pinuri ni VP Duterte si Santiago bilang isa sa mga "most distinguished and admired" na lider ng bansa.
"This is a tribute to her incredible achievements and a reminder of her unwavering dedication and love of country," pahayag ni VP Duterte.
Unang nahalal si Santiago bilang senador noong 1995 at bumalik sa Senado noong 2004 at 2010 kung kailan nagsilbi siya bilang chair ng Foreign Relations Committee at Constitutional Amendments Committee sa panahon ng kanyang termino.
Comments