Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 13, 2021
“Baliw na Bisaya" ang tawag ngayon ni Derek Ramsay kay Ellen Adarna dahil sa kung anu-anong pinaggagagawa nito 'pag magkasama sila.
Sa isang post ni Ellen ay makikitang ginamitan ng bubble gum wrap si Derek para maalis/mabunot ang mga balahibo ng aktor sa kanyang mga legs at hita. Super-sigaw si Derek habang tinatanggal ni Ellen ang bubble gum wrap sa kanyang hita at binti!
Sa isang video post naman kung saan tinatanong si Derek kung ano ang impresyon niya sa mga babaeng Bisaya na tulad ni Ellen, sagot ng aktor, “Baliw na Bisaya" ang kanyang GF.
Well, sa interview naman ni Derek Ramsay sa 24-Oras, nabanggit nitong napag-uusapan na nila ni Ellen ang kasal. At ang sexy star na raw ang babaeng gusto niyang makasama for the rest of his life.
Ganunpaman, hindi sa taong ito (2021) magaganap ang kasalan dahil may serye pa si Derek na gagawin sa GMA Network na bahagi ng kanyang contract.
Sina Carla Abellana at Max Collins ang makakasama ni Derek sa bago niyang project sa Kapuso Network. Pareho nang “taken" sina Carla at Max kaya tiyak na hindi mali-link kay Derek ang dalawang aktres.
Comments