top of page
Search
BULGAR

Bintana ng tren ng MRT3, binato... Pasahero sugatan, suspek, huli

ni Lolet Abania | November 21, 2021



Isang pasaherong lalaki ang nasugatan sa ulo matapos na tamaan ito nang batuhin ang salamin ng isang bagon ng tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa Pasay City, ngayong Linggo ng umaga.


Sa inilabas na statement ng pamunuan ng MRT3, ang insidente ay naganap sa pagitan ng Taft Avenue at Magallanes Stations, bandang alas-6:51 ng umaga.


“The stone struck a window of the third car of the MRT-3 train, causing it to be damaged. The incident also left a 51-year old male passenger injured,” batay sa pahayag ng MRT3.


Ayon sa MRT3 management, ang naturang pasahero ay agad na binigyan ng first aid sa Magallanes Station saka dinala sa San Juan De Dios Hospital para gamutin.


Nahuli naman ng mga awtoridad, ang isa umanong basurero na nambato sa salamin ng bagon ng MRT3, sa isang construction site sa may Taft Avenue, habang patuloy ang kanilang imbestigasyon sa nangyari.


Nai-post naman ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang insidente sa kanyang Facebook page, at iminungkahing dapat ikulong ang nasabing suspek.


Tiniyak din ng pamunuan ng MRT-3 sa publiko na magsasagawa sila ng legal na aksyon laban sa suspek at kaukulang hakbang para maiwasan na ang magkaroon pa ng kaparehong insidente sa susunod na panahon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page