top of page
Search
BULGAR

Binondo-Intramuros Bridge, bukas na

ni Lolet Abania | April 6, 2022



Binuksan na ang Binondo-Intramuros Bridge sa mga motorista matapos na pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon nito kahapon.


Batay sa ulat, mayroong apat na lane ang Binondo-Intramuros Bridge, kung saan kaya nito ang may 30,000 motorista na papasok at lalabas ng Intramuros at Binondo kada araw.


Gayundin, mayroong bike lanes at sidewalk ang nasabing tulay. Sa ginanap na pasinaya nitong Martes, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang China sa paglalaan nila ng pondo para mabuo ang naturang proyekto.


Dumalo sa nasabing event si Chinese Ambassador Huang Xilian. “I also thank and with gratitude the People’s Republic of China for the confidence and for being a partner in enhancing key infrastructure projects in our country,” pahayag ni Pangulong Duterte.


“As my administration comes to a close, we remain committed to providing a comfortable life for every Filipino through various opportunities for growth and success,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.


Ayon naman kay Ambassador Huang, ito ang ika-16 na proyektong nakumpleto ng gobyerno ng Pilipinas sa China sa ilalim ng administrasyon ni Chinese President Xi Jinping.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page