top of page
Search
BULGAR

Binigyang-kulay ang vlog nila ni Harry Roque… RONNIE: “WALANG HUBARANG NAGANAP.”

ni Ambet Nabus @Let's See | June 26, 2024


Showbiz News


Napakinggan namin ang pagtutuwid na ginawa ni Ronnie Liang sa isyung nagbibigay ng kakaibang kulay sa pinag-usapang interview niya sa dapat ay vlog ni dating Spokesperson Harry Roque.“Two years ago pa po ‘yun. Nagtataka lang po ako kung bakit ngayon ito pinag-uusapan,” bahagi ng paliwanag ni Ronnie sa programa nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika sa TV5.


Bukod sa matagal na pala iyon na may kaugnayan sa imbitasyon sa kanya during an event para sa mga nasalanta ng bagyo, “edited” na pala ang naturang video.


“Nasa pampang pa lang kami, magkakasama na kami nu’ng ibang officers. Marami po kami du’n at walang hubarang naganap,” dagdag pa ni Ronnie na nagbiro pang sana raw ay ginamit na lang din ng kung sinong nag-upload ang kanta niyang Ngiti bilang background.


Klinaro rin niyang wala siyang personal na kaugnayan kay Harry Roque maliban sa naimbitahan siya nito sa nasabing vlog.

In the end ay nagpasalamat pa ang soon to be commercial pilot na aktor-singer dahil kahit paano raw ay napag-usapan siya. ‘Yun nga lang, sana raw ay kinuha ng video uploader ang side niya.


 

Kahit umulan uli, tuloy pa rin…

DANIEL, PANAY KANTA SA MGA MINI CONCERTS


DJ

TILA ini-enjoy na lang muna ni Daniel Padilla ang pag-appear sa mga mini concert.

Nauna na nga diyan ang inulan niyang pag-awit sa isang political rally sa Davao. Then nasundan ito ng isang maliit na katuwaan gig sa isang parte daw ng General Santos City.


At ang latest nating nalaman ay nitong June 23 kung saan sa okasyon sa Pola, Mindoro ay muli nitong hinarap ang ulan sa gitna ng napakaraming mga tao na gusto siyang marinig kumanta.


Sey ng mga netizen, “Proud kami kay Deejay (Daniel), kahit talaga madalas s’yang sundan ng ambon at ulan kapag may performance, kering-keri pa rin n’ya ang magpasaya at magpakilig.”


Bongga!



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page