top of page
Search
  • BULGAR

Binigyan ng Voice of Asia award sa Korea… SIGAW NI STELL: SB19, PATUNAY NA KAYANG MAKIPAGSABAYAN NG MGA PINOY!

ni Julie Bonifacio @Winner | August 28, 2024



Showbiz News
Photo: SB19 sa Billboard K Power 100 / Billboard Korea

Kitang-kita ang excitement ng mga fans ng SB19 at BINI sa kani-kanilang individual performances sa ginanap na Billboard K Power 100 sa The Shilla Seoul, South Korea kahapon. 


Ilang oras bago ang event ay trending na sa X (dating Twitter) ang SB19, at abangers na ang kanilang mga fans sa gagawin nilang performance. Sadyang nag-ingay talaga ang SB19 fans sa X.


Anila, “SB19 is set to perform their hit song ‘GENTO’ and receive an award at Billboard K POWER 100. Happening tonight at The Shilla Seoul, 7PM.


“SB19 will represent the Philippines at Billboard K POWER 100! (Philippine flag emoji).

“Tune in as SB19 will fire up the stage of the Yeong Bin Gwan Hall in Seoul with ‘Gento’ and as they will receive an award!”


As of this writing, wala pa kaming nakikitang actual video ng pagkanta ng hot song na Gento ng SB19 sa Billboard K Power 100. 


Bukod sa pagkanta ng SB19 ng Gento, tatanggapin nila ang Voice of Asia award. Ngayon pa lang ay super proud na ang mga SB19 fans sa Pinoy all-male group.


Sey ng isang fan, “Can’t wait to witness… SB19 making history again… Turn loose and have fun! Give the audience a show and a memory of a lifetime! (fist emoji)”


Pahayag ni Stell, ang main vocalist ng SB19, sa premiere night ng kanilang documentary titled Pagtatag, “This is the right time and moment (para sa) Philippines na mas makita pa na hindi lang tayo isang napakagandang bansa kundi marami tayong yaman bukod sa mga natural resources natin. ‘Yung mga tao mismo sa Pilipinas ang yaman natin dahil sa ating talento at sa kaya nating gawin.


“But accepting the award na ibinibigay sa ‘min ng Billboard, isa lang itong patunay na kayang-kaya ng Pinoy na makipagsabayan.”


Speaking of Pagtatag, sa araw na ito ay naka-schedule kaming panoorin ang SB19 docu-film nila sa Gateway, Cubao. Gusto naming makita kung buo pa ang video ng SB19 na kuha from their training hanggang sa kauna-unahan nilang pagharap sa entertainment media sa ginanap na mediacon sa Novotel Hotel noong 2023. Doon namin unang nakilala ang SB19 at kasama pa nila ang kanilang mentor/manager na si Tatang. 


That time, humanga agad kami sa grupo kasi nalaman namin ang mga sacrifices at efforts na ginawa nila just to reach kung nasaan na sila ngayon. Less than a year na training without pay ‘yun and most of them, pumapasok pa sa kanilang school, huh?


Ganoon sila kasipag at dedicated sa kanilang craft na ‘di naman nawalan ng saysay.

More of SB19 sa aming next column pagkatapos naming mapanood ang Pagtatag docu ng grupo.


 

WALA pa ring kupas ang husay ni Jericho Rosales sa ipinamalas niyang akting sa bagong Kapamilya drama series na Lavender Fields (LF) sa kabila ng kanyang anim na taon na pagkawala sa telebisyon at pelikula.


Napapalakpak talaga kami sa eksenang kailangan niyang i-let go at sabihan si Jodi Sta. Maria, who plays the title role as LF, na kalimutan na ang karakter ni Echo at huwag nang hanapin pa. 


Napakagaling pa rin ni Echo, ni hindi man lang kinalawang ang talas ng kanyang acting skills. Si Echo talaga ang pinakamahusay na aktor sa kanilang henerasyon.

Sa mediacon ay natanong si Echo kung ano ang nag-udyok sa kanya para magbalik-drama series at tanggapin ang LF na magsisimula na sa Lunes, Setyembre 2.


“Naligaw ako, eh,” biro niya. 


“First of all, I want to thank all my, with the people I’ve worked with dito sa show at sa Dreamscape for pitching.


“Well, actually, for offering me the role of Tyrone and Arthur because I had no expectations and I was really blown away and I might as well, you know, sana nagkaroon na lang ako ng expectation. Because when I was watching the final product, it was amazing.”


Pinasalamatan ni Jericho ang mga direktor ng LF for having a vision that they all share sa cast members. 


“It’s nice to be working with a group who share the same energy and same vision, and that’s what I got. So, ang feeling ng pagbalik mo, ganu’n. 


“And then, ABS-CBN you know, buhay ulit ‘yung relationship namin, it never died naman. But coming back to ABS-CBN I felt like coming back home. And then, having our friends here watching and it’s a great show. I’m not kidding, I’m so proud of it. I feel like I made the best decision this year. I don’t want to turn my back on my art again. This is it, full embrace,” diin ni Echo.


Nasa LF din sina Janine Gutierrez, Albert Martinez, Edu Manzano, Jolina Magdangal, at Maricel Soriano, plus ang new gen actors na sina Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Marc Santiago. 


Panoorin ang Lavender Fields sa Netflix simula Agosto 30 at sa iWantTFC simula Agosto 31. Mapapanood din ito sa TV gabi-gabi, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

  


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page