ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 11, 2022
Sa kanilang 4th anniversary as a couple, niregaluhan ni Vice Ganda ng singsing ang kanyang asawang si Ion Perez nitong October, kasabay halos ng ika-13th anniversary ng programang It's Showtime.
Kasabay din ng kanyang regalong singsing kay Ion ay ang selebrasyon kasama ang pamilya at mga kaibigan, base na rin sa in-upload na video ni Vice sa kanyang YouTube channel.
Nagbigay din ng mensahe si Vice sa kanyang asawa.
"Siya 'yung kapayapaan ko sa panahon ng kangaragan, sa panahon ng ka-stress-an. Just like recently, ang dami kong fragile moments and Ion was trying to be very strong for me.
"'Yun ‘yung pinakamalaking regalo sa akin ng Diyos, bukod sa pamilya ko at malalapit kong kaibigan. May isang sandigan ako ng lakas na ibinigay niya sa akin para hindi ako manghina sa mga pagkakataon ng ngarag," sey ng Unkabogable Star.
Nagpapasalamat si Vice na dumating sa buhay niya si Ion.
"I am just very thankful that you are always around and I'm very happy na meron akong constant source of strength and happiness na kahit wala akong ginagawa, 'yung nandiyan ka lang, 'yung alam ko lang na nandiyan ka, ang laking bagay na sa akin 'yun and maraming-maraming salamat," sabi pa ni Vice kay Ion.
Nakakakilig din ang mensahe ni Ion kay Vice dahil lagi raw nitong mamahalin ang asawa.
"Hinding-hindi ako magbabago. Lagi kong sasabihin na habang kaya kong iparamdam na mahal kita, ipaparamdam ko sa 'yo. Siguro, wala na akong masasabi pa kundi mahal na mahal kita.
Nandito lang ako hanggang sa pagtanda natin. Thank you din kay Papa God dahil lagi Niya tayong gina-guide, dinadala Niya lagi tayo sa tama. Mahal na mahal kita Babe."
Para kay Vice, mahalaga ang gift niya for Ion, which was the ring.
"Ako, ang dami kong happy moments in life. Ang dami kong moments na proud na proud ako. Ang dami kong moments na hanggang ngayon, binibitbit ko na nagpapasaya ng puso ko. Pero isa sa pinakamahalagang moment sa buhay ko na siguro sa hanggang sa katanda-tandaan ko na maging malilimutin man ako, ito 'yung isang bagay na ipapanalangin kong sana, huwag mawala sa memorya ko, sa alaala ko. Iyon 'yung alaala na isang gabi, binigyan mo ako ng singsing. That was one moment na hindi ko naisip na mangyayari sa buhay ko, nag-propose siya sa akin."
Umaasa si Vice na tuwing suot ni Ion ang ring, maalala nito ang mga happy moments nila nang magkasama.
"Kaya gusto ko ring magbigay ng ganito sa 'yo to remind you everyday ‘yung mga masasayang moments na ipinaramdam mo sa akin nu'ng isinuot mo [itong singsing] sa kamay ko.
"Araw-araw nararamdaman ko ‘yun at gusto ko araw-araw, maramdaman mo rin 'yun. This is a reminder of my love for you, my gratefulness to you, basta lahat. This is to remind you of me... of you and me."
Ikinasal sina Vice at Ion sa isang wedding ceremony sa Las Vegas, USA nu'ng October 2021, kasabay ng kanilang US concert tour.
Commentaires