top of page
Search
BULGAR

Binigyan ng P1M, payag nang pakasal siya... "MUKHANG PERA ANG NANAY KO!" - KIRAY

ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 29, 2023



Walang kiyeme at very natural lang ang actress-comedienne na si Kiray Celis sa pagsagot sa mga katanungan ng King of Talk na si Boy Abunda nu'ng mag-guest siya sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda last Friday.


Matatandaang naging trending topic sa social media ang pagbibigay ni Kiray ng P1 M cash sa kanyang ina. Kaya naman, napunta ang kanilang usapan sa pera.


Aba, walang pag-aalinlangan na ipinangalandakan ni Kiray na mukhang pera ang nanay niya.


Paliwanag ng komedyana, "Bago ko binigyan ng one million [pesos] ang Mama ko, ang sabi niya, 'Bawal kayong lumabas, ha? 'Pag kayong dalawa lang (ng boyfriend ni Kiray), bawal!'"


"Nu'ng binigyan ko na ng one million pesos, biglang sabi niya, 'Kailan kayo magpapakasal?'"


Dagdag pa ni Kiray, "Ganu'n! Iba ang nagagawa ng pera. Mukhang pera talaga ang Mama ko.


Proud ako na mukhang pera ang Mama ko. Seryoso 'yan."


Pero bumawi rin naman ito, "Ang mga nanay, mga mukhang pera kasi may explanation naman diyan. Because they are the ones who handle money matters in the family."


Ever since naman ay very vocal si Kiray na mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.


Lahat ng naipundar niya ay para sa mga ito.


Nakabili na rin si Kiray ng dalawang lote at ang isa pa nga sa mga ito ay pinatayuan pa niya ng sarili nilang bahay.


Ani ng komedyana, gagamitin ng kanyang ina ang P1 M cash para naman sa pagpapatayo ng bahay sa isa pang lote, pero kulang pa raw 'yun kaya't pinag-iipunan niya pa ito.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page