top of page
Search
  • BULGAR

BINI, SB19 AT LOLA AMOUR, LABAN-LABAN BILANG ARTIST OF THE YEAR

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Oct. 4, 2024



Showbiz News

Maglalaban-laban ang grupong BINI, Lola Amour at SB19 kasama sina Juan Karlos at Maki sa Artist of the Year award na igagawad sa pagbabalik ng MYX Music Awards na umarangkada na sa pag-anunsiyo ng mga napabilang sa nominado sa pamamagitan ng MYX YouTube (YT) channel.


Pagkatapos nga ng tatlong taon ay muling kikilalanin ng MYX ang mga natatanging Pinoy artist, mga kantang tumatak at music videos na talaga namang patok sa mga manonood sa minahal na music awards.


Kabilang sa posibleng magwagi bilang Song of the Year ang Dilaw ni Maki, Ere ni Juan Karlos, Pantropiko ng BINI, Raining In Manila ng Lola Amour, at Sining ni Dionela, kung saan tampok si Jay-R.


Samantala, nominado para sa top award na Music Video of the Year ang B.A.D. ni Denise Julia kung saan tampok si P-Lo, Cherry On Top ng BINI, Moonlight ng SB19, Ian Asher at Terry Zhong, at Surreal ni Justin.


Kinilala na rin ang mga maglalaban-laban para sa mga kategoryang Mellow Video, Pop Video, Hip-hop Video, R&B Video, at Rock Video of the Year. 


Maaari ring bumoto ang mga fans para sa kategoryang Collaboration, Breakout Solo Artist, Breakout Group, at Global Video of the Year.


Magsisimula ang botohan para sa MYX Music Awards 2024 sa Oktubre 5, 12:01 AM hanggang Nobyembre 10, 11:59 PM. 


Manggagaling sa fan votes ang 60% ng final tally, habang magmumula naman ang 40% sa resulta ng artists poll.


Papangalanan ang mga magwawagi sa bigating MYX Music Awards awarding event na gaganapin sa susunod na buwan.


Mapapanood ang MYX sa SKYcable Channel 23, Cignal channel 150, at iba’t ibang cable operators nationwide. Available rin ito sa iba’t ibang digital platforms tulad ng YouTube (YT) at Amazon Prime.  


 

HINDI na umano nag-plaster si Jameson Blake sa sizzling love scene niya kay Lovi Poe sa ginagawa nilang pelikula na produced by C’est Lovi Productions at Regal Films na Guilty Pleasure (GP). 


Ngunit, sinagot na ito ng aktor na gumamit siya ng tissue at plaster, salungat sa mga bali-balitang hindi niya ginamit ito. 


Masakit daw ito kung itatapal, kaya siguro minabuti na lang ni Jameson Blake kung totoo man na ‘wag nang gumamit ng plaster. Hindi rin ipinakita ng camera man ang maselang bahagi niya kaya hindi sila guilty, in pernes.


Anyway, sizzling din ang love scene nina Lovi Poe at JM de Guzman sa GP

Abangan, mga Ka-Bulgar!


 

Bilib kami sa sipag sa paggawa ng batas ni Sen. Bong Revilla, Jr.. Just recently ay nabasa namin sa kanyang socmed (social media) timeline ang kanyang post that goes....


“Sa tulong ng ating isinulong na Kabalikat sa Pagtuturo (KAP) Act o Republic Act No. 11997 na nagbibigay ng P10,000 teaching allowance sa mga guro, hindi na nila kailangang humugot mula sa sariling bulsa para makabili ng chalk, atbp..


“Ngayon, mas magagamit na ng ating mga guro ang kanilang buong sweldo sa personal nilang pangangailangan. 


“Hinding-hindi po magsasawa ang inyong lingkod bilang kabalikat ng mga idol nating guro.”

At ang b-day wish nga niya ay magkaisa tayong lahat para sa ating bayan at ma-reelect siya bilang senador this coming 2025 elections.


Aba, eh, dapat lang, because alam namin na talagang matulungin sa mga needy ones itong si Sen. Bong Revilla, Jr. at hindi na rin kataka-takang siya ang itinanghal na Darling of the Press sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies, ‘yun na!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page