top of page

Binabalikan daw ang ex-GF na si Joanne… DEREK, NAHULI NI ANDREA NA MAY KA-CHAT KAYA NAG-BREAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 20, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 20, 2020




Maraming espekulasyon kung bakit nauwi sa paghihiwalay ang dating napakatamis na relasyon nina Andrea Torres at Derek Ramsay.


Marami ang nagagalit ngayon kay Derek dahil umiral na naman daw ang pagka-playboy ng aktor. Hindi na raw ito nakuntento kay Andrea na okey na okey at wife material na puwede niyang ipagmalaki kahit kanino. Nakatagpo na nga ito ng isang disente at ideal GF pero pinakawalan pa niya.


Hindi pa umaamin nang diretsahan si Andrea sa tunay na dahilan ng breakup nila ni Derek. Pero, may ilang malalapit sa aktres ang nagsasabing hindi na kinaya ng aktres ang natuklasang tunay na ugali ng BF.


Nahuli raw ni Andrea na may ibang babaeng ka-chat si Derek at para sa aktres, ito ay harap-harapang pambabastos sa kanya.


Napapadalas din daw ang away nila at pagtatalo hanggang sa humantong na nga ang lahat sa paghihiwalay.


May tsika rin na binabalikan ni Derek ang ex-GF niyang si Joanne Villablanca.


Well, knowing Derek, hindi ito magsasalita at magpapaliwanag pa kung tungkol sa paghihiwalay nila ni Andrea Torres ang itatanong sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page