top of page
Search
BULGAR

Bina-bash dahil wa' 'wentang anak daw… LUIS, PINAGANDA ANG IMAGE NI CARLOS

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 11, 2024



Showbiz News

Ang daming pumuri sa interbyu ni Luis Manzano sa 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa vlog nito na Luis Listens, pero sa parehong oras, napakarami rin niyang bashings na natanggap.


Nakakatuwa, nakipagbardagulan din si Lucky sa kanyang mga bashers, na labis na ikinatuwa ng mga netizens.


Sobrang nakakaaliw naman talaga ang mga sagot ni Luis sa mga hindi magagandang reaksiyon ng kanyang mga followers.


Tulad na lang ng komento ng isang netizen: “Sir Lucky Manzano, sunod na interbyuhin mo pa ito, mag-a-unfollow na talaga ako.”


Sagot ng TV host, “Baka nga interview-hin ko pa po talaga ulit para lang mag-unfollow ka. Teka, tawagan ko nga.”


Sabi naman ng isa, “Sa lahat ng vlog, ito ‘yung hindi ako interesado, Luis.”

Reply naman ni Luis, “‘Di ko mahanap ‘yung pake ko po.”


Heto pa, sabi ng isa, “Lucky, pumili ka naman ng interview na may mapulot na aral d’yan.”

Komento naman ng isa, “Nakakasuka na Lucky makita si Caloy. Pasens'ya na, etong vlog mo kay Caloy ay poor, walang sense kasi hindi dapat i-promote ang mga tao na salbahe sa magulang pero pakitang-gilas sa family ng girlfriend. 


“Nakakasuka ka, Caloy, para kang ipis sa tingin ko sa 'yo. Nawala ‘yung paghanga ko sa 'yo sa galing mo sa gymnastics. Bastos na anak ka, Caloy. Ang taong hindi lumingon sa pinanggalingan ay sa basurahan ang pupuntahan.”


Ang witty na sagot ni Luis sa komento, “Baka buntis lang po kayo?”

Hahaha!


Pero bongga rin naman ang positive comments na natanggap ni Luis. Narito ang ilan:

“This is how you interview an Olympic Gold Medalist, highlighting Carlos Yulo's talent, hardships, and achievements. Natabunan kasi ang winning moment n’ya ng iba’t ibang issues. Good job, Luis. Congrats again, Carlos Yulo.”


“This interview is well-deserved for Carlos Yulo. It maintains a respectful tone and avoids personal or intrusive questions. I appreciate how humble and soft-spoken Carlos is—he’s truly admirable.”


“Finally, a refreshing interview without mentioning anything about his family issues. Galing mo talaga, Luis!”


“This is a very nice interview. Focused on Carlos’ achievements and his journey as an athlete. With the best sense of humor from Luis as always. Congratulations, Carlos!!! You brought much honor to the (Philippine flag)!”


‘Yun naman pala, hindi puro negatizens ang mga nanonood sa vlog ni Luis Manzano featuring Carlos Yulo.


 

MULING nabuhay ang isyu nina Karylle at Marian Rivera dahil sa isang Kalokalike contestant sa It’s Showtime (IS).


Ang contestant kasi ay kalokalike ni Marian. Tinanong siya ni Vice Ganda kung sino ang gusto niyang makausap at makatrabaho sa lahat ng nakatrabaho niya noon.


Sagot ng contestant, “Si K.”


Sabi naman ni Vice, “Brosas?”


Nilinaw naman ni ‘Marian’ na si Karylle.


Good thing, hindi na pinalaki ni Vice Ganda ang sinabi ng contestant at tila nonchalant na lang siya.


Pero siyempre, ang mga Marites na mga netizens ang pumuna na wala si Karylle sa tsikahan portion kay ‘Marian’ at naghinalang umiwas daw ang singer na makaharap ito.


Well, sa mga hindi nakakaalam, bago naging girlfriend ni Dingdong Dantes si Marian, si Karylle ang kanyang karelasyon kaya naman hindi maiwasang maging isyu ito noon.


Nagkaroon pa ng espekulasyon na si Marian umano ang dahilan ng breakup nina Karylle at Dingdong Dantes, pero noon pa ay idinenay na rin naman nila ito.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page