ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Pebrero 17, 2024
“Hindi naman natin kailangan ikasal,” nahagilap niyang tugon.
Para kasi sa kanya, ang kasal ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi niya ito mahal at nakakatiyak siyang wala rin itong pagtinggin sa kanya.
“Mas gusto mo bang mag-angkin ako nang mang-angkin na walang pinanghahawakan?” Nanunubok na tanong ng binata.
“Ang kasal ay para lamang sa mga taong nagmamahalan.”
Kesa na sumagot ito, halakhak ang ginawang tugon ng binata. Dapat sana ay mabuwisit ang dalaga sa pagtawa nito, pero hindi niya iyon nagawa dahil maski siya ay nasiyahan din sa pagkahalakhak ng binata, bigla niya ring napagtanto na guwapo pala ito at kamukhang-kamukha niya si Jake Cuenca.
Sa kaisipang iyon ay ipinilig niya ang kanyang ulo. Kailangan niyang itaboy sa isipan ang ideyang guwapo ito dahil kahit na mukha pa itong artista, masamang tao pa rin ito.
“Hindi 'yan mabuting tao!” Buong diin niyang sabi sa kanyang sarili.
Hindi man siya tunay na anak ni Pedro Pedral, nakakasiguro naman siyang ayaw din nitong mapahamak siya.
Pero, kailangan din niyang gawin ang kanyang responsibilidad bilang anak, at iyon ay ang isalba ito sa kapahamakan na maaari nitong kaharapin.
“Hindi na importante ang sinasabi mo.”
“Importante ang pag-ibig.”
“Pera ang importante! Kung wala kang pera 'di ka magiging maligaya.”
“May pera ka nga, pero nananapak ka lang naman ng ibang tao. Paano ka nakakaramdam ng tuwa sa kasamaang ginagawa mo? ” Marami pa sana siyang gustong sabihin, pero nang mapatingin siya sa binata, ang talim ng tingin nito sa kanya at para bang gusto siyang tirisin.
“Pakakasalan mo ako o ipapakulong ko si Pero Pedral?” Gigil nitong tanong sa kanya.
Itutuloy…
Comments