ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-21 Araw ng Abril, 2024
Kinakabahan si Via sa sinabi ni Jake. Kitang-kita niya kasi ang galit sa mga mata nito. Kahit na hindi iyon para sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng takot.
“Kailangan natin magtulungan,” wika nito sa malambing na tinig.
Bigla siyang natigilan, dama niya kasi na may kakaiba sa ikinikilos nito. Humagikgik pa nga pagkaraan na para bang may kung ano’ng iniisip.
“Huwag kang umasa na tutulungan kita,” inis na sabi ni Via.
“Mahal mo pa rin ba si Nhel?”
“Sobra,” hindi niya napigilang sabihin.
Kahit na may takot siyang nararamdaman sa ipinapakitang ugali ni Jake, parang sa isang sandali ay lumipad iyon, ang tangi kasing naisip niya ay si Nhel.
Mahal na mahal niya ito, kaya kahit sabihin pang kunwari lang ay hindi niya hahayaan na magamit siya ng lalaking ito na tila nababaliw na yata. Nakakasiguro rin siya na hindi nito nagustuhan ang kanyang sinasabi kaya tumalim ang tingin nito sa kanya at parang gusto siyang sugurin at saktan.
“Tumigil ka, Jake!” Sigaw ng matandang lalaki.
Hindi alam ni Via ang pangalan nito. Basta nakakasiguro siya na ninong ito ni Jake.
Gayunman, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit kinakabahan siya kapag nasa paligid ito. Dahil ba iyon sa mapanganib niyang aura? Gusto niyang maniwala na iyon nga ang dahilan, ngunit ramdam niyang may iba pang dahilan.
“Ninong…”
“What?”
“Asawa pala ni Nhel Zamora ang babaeng ‘yan,” inis nitong sabi.
“Leave her!”
Umiling si Jake at sabay sabing, “Ito na ang pagkakataon ko para makapaghiganti sa Nhel na ‘yan. Aangkinin ko…”
Hindi na naituloy ni Jake ang sasabihin niya, dahil biglang bumunot ng baril ang matandang lalaki at akmang puputukan siya sa paa.
“Ninong…”
“Wala akong pakialam sa galit na nararamdaman mo kay Nhel Zamora, hindi kita mapapatawad kapag idinamay mo ang anak ko sa galit mo sa lalaking iyon.”
Itutuloy…
ความคิดเห็น